Chapter 33: CHANCE

35 3 11
                                    

PS. Um, as respect narin sa privacy, I'm not going to reveal all conversations. Konti lang then that's good na. Plus, hindi lahat ng conversations ay exact words. Isasalaysay ko nalang yung iba hahaha char :D Thank you! :)

Nangyari na. Nangyari na nga ang ayaw ko. I fell. Kung bakit ba kasi ako yung klase ng babae na iaasar lang sayo yung tao, hindi na siya mawawala sa isip mo. Ugh! Ayoko talaga! Pero wala eh, crush ko na nga si Daviel, lalong lalo na kapag harap harapan kaming inaasar nila coach. Hindi ko mapigilan.

Break time, naglalaro kami ng rubiks. Hiniram ko yun kay Daviel.

"Aila! Oorasan kita, kapag di mo nabuo in 1 minute and 30 seconds, pipili ka kung truth or dare. Okay?" sabi ni coach sa akin habang sineset up yung orasan. So guys, hulaan niyo what happened? Hindi ko nabuo ng oras na yun.

"Sige ikaw naman Daviel. Pag hindi mo nabuo in 1 minute and 30 seconds, truth or dare." nag-okay naman si Daviel sa sinabi ni coach. And yep, last move nalang di pa umabot si Daviel so siya muna unang tinanong ni coach dahil truth ang napili ni Daviel.

"Daviel, liligawan mo ba si Aila?" kinikilig na tanong ni coach.

"Alam ko naman pong wala akong chance kay Aila eh." aminadong sagot ni Daviel. Nagulat ako. Ako na ang sumunod kaya truth ang sinabi ko. I never picked dare.

"Aila, ikaw naman. Tanong ko, may chance ba si Daviel sayo?" seryosong tanong ni coach.

"Meron!" straight to the point kong sagot. Napaangat ang tingin ni Daviel na kanina'y nakatungo nang sabihin ko yun. Halatang nagulat siya pero ang ginawa ko nginitian ko lang siya ng totoong ngiti sabay alis. Iniwan ko silang gulat ni coach sa sinabi ko.

Hindi mawala-wala sa isip ko yung nasabi kong yun. Straight na straight, Aila ah. Sana mo natutunan yun ha?

Sa ngayon, nagmimeeting kami dahil tapos na ang training. Discuss, discuss, asaran, asaran.

"Ay nako ha! Kayo, hindi ko kayo papayagang magkaroon ng something sa mga ka-teammates niyo." nakangiting paalala ni coach sa amin nung nagmimeeting kami. "Lalo na ikaw Allyra, ikaw ang pinakababy. Bawal pa ha!" paalala niya sa kapatid kong incoming Grade 7 palang sa pasukan. Iginala ni coach ang mata niya sa aming lahat nang madapo ang tingin niya kay Daviel na ngayon ay yuyuko yuko. Umiiwas nanaman sa asar ang loko. "Ayyy nako! Eto na nga, sa inyong lahat ang papayagan ko lang na magka-girlfriend na teammate niyo din, si Daviel." matapos sabihin ni coach yun ay ngumiti siya sa akin na pang-asar. "Sa inyong lahat, si Daviel ang pinakaresponsable!" titig parin si coach sa akin habang nakangiti ng nakakaloko. Uggggh!

"Oo nga Aila! Yan si Daviel, masipag pa yan, pagkatapos niyang tupiin yung mga nilabhan, nako, lalabhan niya ulit yan. Ganyan yan kasipag." pang-aasar na sambit ni Iñigo na nasa tabi ko. Nagtawanan naman silang lahat kaya siniko ko siya. Napakaingay!

"Ano ba yun Iñigo?" sinisiko ko parin siya dahil nakakaloko parin ang mga ngiti niya sa akin.

"Bakit Aila? Ayaw mo ba kay Daviel ha? Responsableng bata, mabait, marunong sa gawaing bahay, maka-Diyos." patuloy-tuloy na pagfaflatter ni coach kay Daviel. Ako naman si pangiti-ngiti lang pero deep deep deep inside, ayoko na, parang gusto ko nalang tumakbo ng mabilis pauwi dahil hiyang hiya na ako, nasa akin na ang atensyon nilang lahat, naghihintay ng sagot ko. And finally someone saved it.

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon