Monday ngayon at may practice ng Recognition. Tinatamad ako kaya medyo late ako dumating. Mga 1:15 ganun.
Pagpasok ko hindi ko mahanap sila Paige. Saan ba nakapwesto yung mga yun. Baka nasa annex. Papunta na sana ako dun nang...
"Aila dito!" sigaw ni Maegan.
Ay andun lang pala sa hallway. Pinahirapan pa ako.
Nung papalapit na ako dun nakita kong tumayo si Dean. Andun pala siya. Bigla siyang umalis. Oh good para hindi awkward.
Nung umupo ako dun ay agad akong nakipagchikahan kay Paige at Jace. Matagal ko silang di nakasama kasi hindi ako umattend ng practice last week eh.
Nung nakaupo na kami sa upuan kung saan kami in-assign nakita ko si Dean na nakatayo sa stage. Oo nga pala siya yung kakanta ng Lupang Hinirang. Okay.
Nung kumakanta na si Dean ay inaasar ako nitong katabi ko.
"Oy prend, si Dean oh! Yieee tell me kinikilig ka!" sabi ni Aerin with matching ngiti pa ng pang-asar.
"Hoy Aerin ha, tigilan mo. Hindi! Hindi ako kinikilig!" defensive kong sabi.
"Ay defensive! Kinikilig ka talaga eh!" sabi niya sa akin sabay tawa.
"Baliw ka talaga Aerin! Hindi nga!" sabi ko sabay tawa at kumanta nalang ulit.
Pagkatapos nun ay may song number nanaman sila Dean. At syempre hindi nanaman matigil ang bunganga ni Aerin sa pang-aasar sa akin kay Dean.
"Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Dean? Sayang! Bagay pa naman sana kayo." sabi ni Aerin.
"Eh kasi nga dati nung okay pa kami---" sabi ko.
"Ano nangyari? Di parin ba kayo okay?" singit ni Aerin.
"Wait kasi Aerin, excited much?" sabi ko sabay tawa.
"Game! Eh kasi nung birthday niya, after naming mag-video call inamin niya na sa akin na mahal na nga daw niya ako. Simula nun araw-araw kaming nagkakausap, pinapakilig niya ako, pinaparamdam niyang special ako sa kanya. Tapos isang araw hindi kami nagkaintindihan, ayun na. Na-beastmode ako sa kanya nun kaya ilang araw ko siyang di pinapansin. Dito sa school, lumalapit siya sa akin pero di ko lang pinapansin. Hanggang sa magsawa na siyang manuyo, hindi na niya ako pinapansin. Na-confirm ko na hindi nalang ako nafo-fall pero may gusto na ako sa kanya, simula yun nung nagselos ako sa kanila ni Maegan. Tapos lagi ko ng iniiyakan si Dean. Tapos nalaman ko na wala ng gusto si Dean sa akin. Ang pabebe ko kasi nung time na yun kaya ang dami kong nasayang na panahon." kwento ko. Nabaling yung tingin ko sa pwesto ni Dean...at ni Shyrie? Nag-uusap sila at nagngingitian tapos tumatawa pa. Okay.
"Earth to Aila! Hoy ano na yung katuloy ng kwento mo?" sabi ni Aerin sabay tapik sa akin.
"Tapos ano. Ano nga ba? Nasaan na nga yung kwento ko. Wait---bwisit! Nawala ako. Kasi naman ayun oh." sabi ko sabay nguso sa pwesto nila Dean at Shyrie.
"Ay! Aray naman. Okay lang yan prend. Makaka-move on ka rin." sabi ni Aerin habang hinahaplos niya yung likod ko.
Nagkwento pa ako ng nagkwento kay Aerin.
"Naiiyak ako sa story niyo Aila. Ang saklap." sabi ni Aerin sabay punas nung tutulong luha sa mata niya.
"Masyado bang nakakalungkot ang story ko at pati ikaw nadala din? Pero alam mo nabibitter ako kila Dean at Shyrie. That should be me. Kung okay pa sana kami ni Dean ngayon, ako sana yung rason para ngumiti siya araw-araw. Pero matagal na. Matagal ng hindi. Grabe lang Aerin no? Sa iba ang bilis kong maka-move on, to think na nagtagal pa ng months pero yung kay Dean, three days lang kaming may something pero ang hirap mag-move on." sabi ko. Eto nanaman ako, nagdadrama nanaman.
"Dean, balik ka sa proper seat!" sabi ni Mrs. Ramos over the microphone kasi siya yung host.
Hahaha! Sweet moments pa more Dean at Shyrie, napabalik ka tuloy sa upuan mo Dean. Bitter ka nanaman Aila.
Nung nag-recess kami ay nag-stay kami sa corridor.
Naglalaro kami ng jackstone nila Martin, Maegan at Andrea nang...
"Sali ako! Laro tayo!" sabi ni Dean.
Tumabi si Dean sa akin.
"Yieeee Aila, ehem!" sabi ni Andrea.
"Shhh!" sabi ko.
"Wag mo namang ipahalatang kinikilig ka, Aila." sabi ni Andrea habang tumatawa.
"Well, hindi naman talaga." sabi ko.
Kapag ako na ang titira, nagvovolunteer si Dean na siya nalang daw ang magbabato ng stars. Mapilit eh, edi binigay ko nalang, hinahayaan ko nalang siya.
Nung natapos na kaming maglaro, wala ng nagawa si Dean kundi mantrip. Binabato niya sa akin yung stars hanggang sa nag-shoot yung isang star sa loob ng uniform ko. Hindi ko nalang siya pinansin pero tinanggal ko yung star. Binabato niya parin ako tapos nag-shoot nanaman yung isang star.
"Deeeeeeeean!" ginyera ko siya, kinurot kurot ko siya tapos hinampas kasi nananadya na siya eh.
Lumipas yung araw na yun ng maayos. Masaya grabe...masayang tignan siya sa malayo habang masaya siya kay Shyrie. Edi sila na masaya. Hindi ko lang talaga maiwasang sabihin sa sarili ko na THAT SHOULD BE ME. Kung hindi ko sinayang yung pagkakataon, ako sana yun. Pero what's done is done. Hindi na pwedeng bumalik ang mga taong kusang inilayo ang sarili nila sayo. Kaya tama na ang kaartehan, tanggapin mo na Aila. Because acceptance is the first step to moving on.
You can do it, Aila. Smile. There's right time for everything :)
Right Time (c) yanignine
