Gumawa na si Ms. Recilla ng seat plan, at guess what? Katabi ko nanaman si Dean. Di naman totally katabi kasi pinaghihiwalay kami ng aisle.
At ngayon, pinagbabalot na kami ng arm rest.
Naging smooth yung pagbabalot ko nang bigla nanaman akong kinulit nitong lokong katabi ko.
"Aila, ang linis mong gumawa, bakit ganyan? Patulong naman oh." sabi ni Dean na halatang hirap na hirap na sa ginagawa niya.
"Kaya mo na yan Dean, jusko, matanda kana kaya." sabi ko habang focus na focus sa pagbabalot.
"Eh! Aila! Help me!" pangungulit ni Dean.
Hindi ko siya pinansin kasi mas lalo pang may sasabihin 'to pag pinansin ko pa. Pero hindi nagpapatalo eh.
"Aila kasi sige na, tulungan mo na ako."
"Ailaaaaaa!"
"Psst! Uy! Aila!" nakatayo na siya sa harap ko. Wala talagang kasing kulit.
"Oo na, oo na Dean. Wag ka ng makulit. Tutulungan na kita." sabi ko sabay tingin sa kanya.
"Yoooooown! Osya, pahiram ng gunting." sabi niya sabay balik sa pwesto niya.
"Paano ba gawin 'to?" sabi ni Dean.
Tinuro ko sa kanya kung paano maayos na lagyan ng cover yung arm rest niya.
"Aila, gusto mo bigyan kita ng speaker." sabi ni Dean na hindi ko maintindihan yung dulo kasi ang hina pero ang rinig ko speaker.
"Ha? Speaker? Aanuhin ko yung speaker?" sabi ko na naguguluhan kasi aanuhin ko naman yung speaker diba.
"Sticker, sabi ko." sabi niya sabay tingin at ngiti sa akin.
"Ay! Sticker! Okay sorry. Anong sticker?" sabi ko sabay tingin na rin at ngiti na parang excited na batang bibigyan ng lollipop.
"Sticker ng YFC." sabi niya habang may dinudukot sa bag niya.
"Eto oh." habang inaabot sa akin yung sticker. "Lagay mo yan dyan sa arm chair mo para pareho tayo." pahabol na sabi ni Dean.
"Ayaw ko. Kasi kapag dinikit ko dyan sa arm chair ko, tatanggalin ko rin naman sa end of school year. Kasi alam mo na, walang permanente sa mundo----"
"Sus! Wala daw." singit ni Dean sa dapat hugot na sasabihin ko.
"Wala naman talaga, sabi nga change is the only permanent thing in the world. Pero yun nga tatanggalin ko rin naman yang cover ng arm chair ko, itatago ko nalang yung sticker, sayang kasi ang ganda pa man din." sabi ko.
Natapos namin ni Dean yung pacocover ng sabay dahil pareho lang din naman yung gawa namin kasi nga ako yung nagturo sa kanya.
"Grabe ngayon lang ako nakagawa ng gantong kalinis." sabi ni Dean na tuwang tuwa.
"Eh pano kasi, inspired!" sabi ng isang classmate namin sabay tumingin pa sa akin at ngiti.
