Chapter 3: FRIENDSHIP OVER

73 3 1
                                    

Intrams na!!!

Ganun padin naman.

Lagi kong inaasar si JC kasi natutuwa akong asarin siya. Wala lang, masaya lang.

Si Eron at Andrey, sobrang nakakatawa padin ang pagkakaibigan nila.

Sila Thea, Paige at Jace sobrang supportive bff's padin.

Si Maegan, ayun init padin ng dugo sa akin.

Katulad nga ng sabi ko last day na ng intrams ngayon.

Kasama ako sa majorette.

Syempre no!

Bago kami sumayaw nag-exhibition game muna yung mga varsity team ng basketball sa amin.

Syempre, andun si Andrey.

Malupit yun mag-basketball no.

2nd quarter na ng game nang mag-shoot si Andrey mula sa half court.

Woah!

Ang galing niya naman.

Shit!

Pero hindi pwede. Hanggang slight na crush lang baka may magalit.

Nag-cheer kami.

Or ako lang pala.

"Go Andreeeeeeey!" sigaw ko.

Ang galing galing!

Pinapasok na kami ni Mrs. Ramos para makapag-ready na para sa sayaw naming mga majorette.

Napag-usapan sa loob yung ginawa ni Andrey kanina.

Hangang hanga sila sa pagshoot niya mula sa half court.

Ako din eh, hangang hanga.

Sobra sobra.

Natapos ang intrams ng masaya at punong puno ng sportsmanship.

Next week mag-start na ulit ang klase.

MONDAY.

"Aila, antaba mo na!" tinampal ni Andrey yung braso ko.

Favorite niyang tampalin yung braso ko.

"Hoy excuse me naman no. Hindi kaya ako mataba! Baka chubby lang!" inirapan ko siya.

"Eto naman. Joke lang! Pero ang laki ng binti mo." tinampal niya ulit yung braso ko.

"Sige tampalin mo pa baka masuntok kita dyan!" inambahan ko siya ng suntok.

"Hoy Andrey at Aila, baka magkatuluyan kayo ha." pang-aasar ni Kiara.

"Hindi ah! Di pwede!" sabi ko.

"Andrey, lumayas ka nga dyan. Upuan ko yan eh. Balik ka na sa proper seat mo, pagalitan pa ako ni Maam eh." asar na asar na sabi ni Kiara.

"Ayoko nga!" sabi ni Andrey.

"Katabi mo lang dyan si Eron eh. Sige na nga, dun muna ako kay Maegan." sabi ni Kiara sabay umirap. Sinamaan pa ako ng tingin. Tsss.

Ay oo nga pala. Si Kiara, isa sa mga friends ni Maegan.

Baka sinasabi niya kay Maegan lahat.

Gugulo lang lalo eh.

"Andrey, congrats pala nung exhibition game niyo ah? Kahit natalo kayo, ang galing niyo padin, lalo na ikaw, pa-shoot shoot ka pa galing sa half court eh. Daming alam!" nakipag-apir pa ako sa kanya.

"Thank you, Aila! Akala ko kinalimutan mo na eh." nginitian niya naman ako.

Napaharap nalang ako sa unahan nang naririnig ko na sumisigaw na si Anika, yung president namin.

Pagkaharap ko ay natatawa na ako kaagad kasi nakikita ko nanaman si Jace sa unahan with a beastmode face.

Ang forever kong problemado pag may program na friend kasi vice president siya ng klase.

May isang program na pinagtatalunan nanaman ng klase kasi hindi sila magkaintindihan kung paano ba ang gagawin nila.

Nakikinig nalang ako kahit sobrang ingay.

"So ganito nalang ang gagawin nati---" sigaw ni Jace.

"Ayaw namin nyan! Iba nalang kasi!" sabi ng mga kaklase ko.

"Ano bang gusto niyo? Ang aarte niyo naman." sabi ni Jace.

Lumapit sa akin si Thea.

"Naiinis na ako sa kaadiban nyan ni Jace." sabi ni Thea.

"Ha? Eh bakit naman?" sabi ko nang may halong pagtataka.

"Wala lang. Naiinis lang ako. Ang adib adib niya. Porket vice president siya ng klase gaganyan ganyan siya." ang sama sama na ng tingin ni Thea kay Jace.

Nahagip ng tingin ko si Paige na mukha ang nag-eenjoy sa kaingayan. Palibhasa kasi isa sa mga nag-iingay. Hahaha. Nagtatawanan pa sila ni Jace. Sinabayan pa ng tawa ng president naming si Anika.

"Tignan mo yan si Jace at Paige. Sabi ni Jace wag daw mag-iingay yung klase tapos sila ni Paige ang nagtatawanan ng sobrang lakas." sabi ni Thea.

"Oh chill lang Thea." pagcocomfort ko sa kanya.

Lunch time na at hindi parin talaga pinapansin ni Thea si Jace.

Inis na inis pa rin siya kay Jace.

Hanggang sa tatlong araw na ang nakalipas, hindi na talaga namin pinapansin ni Thea si Jace. Pero si Paige lagi parin niyang sinasamahan si Jace. Close kasi sila.

Hindi na rin kami sinasamahan ni Jace every breaktime.

Nakaramdam na siguro siya na ayaw na namin sa kanya ni Thea.

And by that, I therefore conclude FO na talaga kaming apat.

We call ourselves BiBiQu but now it's all broken. Tapos na, wala na.

And it all ended up in just a simple reason.

Siguro hindi talaga kami meant to be bffs kaya nahadlangan yung friendship namin ng imperfection ng isa.

Sa right time, makakahanap din kaming 3 ng magiging kaibigan namin ng matagal. As in yung tanggap na tanggap namin yung imperfections ng isa't isa.

Right Time (c) yanignine

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon