PS. May mura po dito sa chapter na 'to. Kung wala kasi yung mura wala yung tunay na ano nung part na 'to. Basta ano. I forgot the term, basta may mura dito. Sorry po ^__^
—
Ang bilis bilis talaga ng panahon. Sobra.
Guess what? Nag-uusap na sila ngayon tungkol sa Christmas party namin.
Nag-walkout na si Mrs. Ramos sa sobrang kaingayan ng section namin.
Kaya si Maegan na ang nagsalita sa harap.
Isa siya sa mga officers ng klase nung first 5 months ng klase pero ngayon hindi na.
Pero ginagampanan niya parin yun. Siguro para na rin sa klase kasi hindi talaga mapigil eh.
Hindi na kinaya ni Maegan, Jace at Anika ang pag-iingay ng klase kaya naupo nalang sila.
Si Dean na ang tumayo sa harap. Bagong president ng klase.
Na-bored ako at dala na rin ng pagkarindi sa ingay ng klase ay hindi nako nakialam sa usapan nila.
Ang sa akin lang, okay na yun. Kung ano mang mapag-usapan nila, susunod nalang ako. Di ko na papakialaman.
Ayoko na ring sumawsaw sa pinaguusapan baka kasi hindi rin mapakinggan yung opinyon ko.
Sa sobrang dami ba namang nagsasalita. Eepal pa ba ako?
Basta kung anong gusto nila yun na rin sa akin. Syempre, iisang section lang kami eh.
Sa sobrang rindi ko nakipag-usap nalang ako kay Jella. Marunong siyang mag-Japanese kaya nagpaturo nalang ako ng iba pa na alam niya.
Tawa ako ng tawa pero medyo mahina lang para hindi nako makadagdag sa ingay.
"Ano ba Aila, ang ingay mo ha. Makinig ka nalang." sigaw ni Maegan sa akin na ikinatahimik ng klase.
Medyo napatahimik ako dun.
Unti unting bumalik ang ingay ng klase.
Sa kagustuhan kong matuto ng Japanese kahit konti nagtanong ulit ako kay Jella.
Natutuwa ako sa mga natututunan ko. May saysay. Kesa sa pag-iingay ng klase, walang saysay.
"Ron!!! Genkideska?" tinawag ko yung kaklase kong lalaki na hindi rin nakikinig.
Nakikipag-usap siya kay Moses inistorbo ko sila.
"Ano nanaman yun Aila?" epal na singit ni Moses.
Kinukulit ko sila tapos natatawa ako. Pilit kong hininaan yung boses ko para di na marinig ni Maegan pero...
"Ano ba Aila ha? Kelangan ba paulit-ulit? Ang landi ha. Pwede bang makinig ka nalang. Ha? Pwede?" inis na inis na sigaw sa akin ni Maegan.
Nung narinig ko yung part na "Ang landi ha." parang tumusok sa puso ko yung word na yun.
Dahil sa narinig kong sinabi niya yun, hindi ko na napigilan yung sarili ko.
"Ta*g*na naman oh." sabi ko.
Hindi ko na talaga mapigilan.
Nanahimik yung klase.
Nung mabalik ako sa sarili ko nagulat ako sa ni-let out ng bibig ko na word.
Mas lalong nadagdagan yung bigat sa puso ko nung hindi ko napigilang masabi yun.
"Patay ka Aila. Maegan oh minumura ka." sabi ni Ron habang tumatawa.
Forever bwisit 'tong si Ron sa buhay. Hindi ba alam ng bibig niyang manahimik muna. Kita ng may problema eh. Tumatawa pa yung bwisit.
