Chapter 5: BOY SPACE FRIEND

72 3 0
                                        

September na!!!

Ang bilis naman.

Malapit ng mag-October, which means malapit na ang foundation day.

Grabe, nakakaexcite!

Wala na talagang Jace! Hindi na talaga kami magkakaibigan.

Well, andun na yung nagpapansinan parin kami pero wala na yung dati.

Tama na nga ang kadramahan.

June to September real quick!

Grabe. Hindi ko namamalayan sobrang bilis pala talaga ng panahon.

May mga naging kaibigan kami ulit nila Thea at Paige.

Tatlo din sila.

Kaso boys lang.

Sila Matt, Amiel at Josh.

Naging sobrang close na kami sa kanilang tatlo kaya hindi naging mahirap na kaibiganin sila.

Si Dean naman ayun boy friend ko na siya. Boy SPACE friend. Meaning kaibigang lalaki.

Sobrang close nga kami eh.

As of now, magkatabi kami kasi pinagtabi kami sa seat plan ni Maam para sa 2nd quarter.

Ang daldal talaga ng lalaking 'to.

Lagi kaming nagbabangayan, pero sobrang sweet daw namin.

"Aila, kayo na ba ni Dean?" tanong sa akin ni Kayla.

"What the hell, Kayla? Are you seriously asking me that question? Sure ka ba sa sinasabi mo?" naiinis kong tanong.

"Alam ko namang hindi eh, naninigurado lang. Pero malamang kung hindi ko kayo kakilala or classmate, inisip kong kayo na." sabi ni Kayla.

"Sus! Dami mong alam. Bye na nga!" naiinis na ako.

Hindi ko naman kasi crush si Dean. As in hindi talaga.

"Aila! Pahiram notebook sa Science." nagulat ako nung tinawag ako ni Andrey.

Naalala ko pala nasa likod ko lang siya.

Pagkatapos kasi ng issue namin ni Maegan nilayuan ko na si Andrey.

Pero nagkukulitan parin naman kami.

Kaso ang hirap ilayo ng loob ko sa kanya lalong lalo na't nasa likod ko lang siya. Grabehan diba.

I was too dumb to notice

That there's something about you

What am I supposed to do

Ang ganda naman ng voice.

I sure wish I knew

All the butterflies I felt inside

Never really mattered

Wishful thoughts inside and smiles

End up being shattered

What are we supposed to be

I'm hopelessly addicted to you

But you never felt the same

Napatingin ako kung saan nanggagaling yung boses.

Sa likod ko.

Si Andrey.

Siya pala yung kumakanta. Ang ganda pala ng boses niya.

"Andrey! Anong title nung song?" natutuwa kong tanong.

"Stuck ni Darren." sabi ni Andrey.

Napatawa ako.

"Realtalk? Darren? As in Espanto?" sabi ko na pigil na pigil ang tawa.

"Oo. Bakit ka natatawa?" nangangamot ulo niyang tanong.

"Talaga? Kelan mo pa naging idol si Darren? Tell me, pati na rin ba ikaw nababading na? At kay Darren pa talaga?" hindi ko na napigilang tumawa sa sinabi ko.

Tinampal niya yung braso ko tapos binalik na yung atensyon sa notebook ko.

Okay.

"Aila, ang ganda mo." sabi ni Dean.

"Alam ko na yun no. Matagal na po." sabi ko with a smirk.

"Ay ayoko na! Wag na." sabi niya sabay talikod.

"Edi wow!" hinampas ko siya pagkatapos nun.


Right Time (c) yanignine

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon