Chapter 29: STAY WITH ME

53 3 4
                                        

Mabilis. Sobrang bilis. Hindi ko namamalayang Grade 9 na pala ako. Ngayon ang first day ng classes at excited na ako.

Habang papasok ako sa school, naalala ko yung naging training namin last summer. Nakakamiss din pala. At alam niyo bang nakakatawa kasi sobrang kamukha ni Dean yung isa kong teammate at ang malupit pa dun may katraining din kaming Dean ang pangalan.

Back to reality. Eto na nga't papasok na ako kasi late na ako sa usapan naming magkakaibigan. Ang sabi ko 6:20 kami maghihintayan sa Gate 2, pero anong oras na ba.

Tumingin ako sa relo ko.

Shoot! 6:40 na.

Kaya nung makarating na ako sa school ay nagmadali akong pumasok at tumambad na sa akin sila Thea, Paige, Matt, Amiel at Josh na mga halatang kanina pa dun naghihintay.

"Hoy gaga ka! Anong oras na?" sabi ni Paige sa akin.

"Sorry na. Eh kasi alam niyo bang 6:17 na ako nagising. Sobrang madali na nga ako eh, di ko pa nga nasusuot 'tong headband ko." sabay pakita ko nung hawak kong pink na headband.

"Nuuuuuy!!! Sino kaya yung nagsabing 6:20 daw tapos late na." sabi naman ni Thea, aba't di parin ako tinigilan.

"Sorry na. Filipino time eh." sabi ko sabay tawa. Nabatukan pa tuloy ako. Hahaha.

Nang makarating kami sa highschool department ay agad naming hinanap ang pangalan namin sa mga section.

At maswerteng nasa A parin kaming anim.

9-Lavender.

Nakilala na rin namin yung adviser naming si Ms. Recilla. Nang pagkapasok niya kanina ay ang sungit ng dating pero mukha naman siyang mabait.

Nagdidiscuss siya ng mga rules niya nang biglang mag-ring ang bell na ibig sabihin ay bumaba na para sa program.

Nang makapila na kami sa baba. Magkakatabi kami nila Thea at Paige. Nang magsisimula na ang program ay pinaupo na kami.

Unang nag-present ang mga taga-Student Council ng inihanda nilang sayaw. Sumunod naman ay yung banda nila Dean.

Nagsimula na silang kumanta at nagtataka ako bakit puro mga babae lang kumakanta. Ba't si Dean hindi.

"Tignan mo ba't puro babae lang kumakanta. Si Dean may mic pero di kumakanta." sabi ko habang tumatawa kasi niloloko ko si Thea kahit alam ko namang mamaya pa kakanta si Dean.

"Ay! Excited siya. Malay mo mamaya pa. Wag ka ngang excited, Aila." sabi sakin ni Thea.

"Eh! Ang tagal eh! Ano ba yan." sabi ko habang inaasar parin si Thea. Lolokohin ko pa ulit sana siya nang biglang...

Guess it's true, I'm not good at a one-night stand

Ang daming mga tumili simula palang nung kantahin ni Dean ang linyang yun. At ako naman tumaas bigla yung balahibo ko sa ganda ng boses niya. Dahil trip ko nakitili narin ako sa kanila.

But I still need love 'cause I'm just a man

"Oh ayan na Aila, hinihintay mo." sabi ni Thea sa akin habang tutok sa panonood.

These nights never seem to go to plan

I don't want you to leave, will you hold my hand?

Kahit kailan talaga Dean ang ganda ng boses mo.

Oh, won't you stay with me?

'Cause you're all I need

"Aila, stay with him daw." pang-aasar ni Thea sa akin.

"Yes, I will!!!" sigaw ko sabay tawa.

Sinabi ko nalang yun ng pa-joke kasi wala naman na talagang epekto si Dean sa akin. Kaya okay lang :)

"Ay sumagot naman siya! Move on na, Aila." sabi ni Thea.

This ain't love, it's clear to see

But darling, stay with me

"Move on nako no. Sa hinaba haba ba naman ng summer na binigay ng Diyos para mag-move on ako, tingin mo di parin ako makaka-move on? Grabe ka sa akin. As if namang aasa nalang ako forever." sabi ko.

Defensive masyado Aila eh. Oo na, naka-move on kana. Hahaha.

"Beastmode na. Joke lang yun, loka. Alam ko namang move on kana." sabi ni Thea sabay tawa.

Why am I so emotional?

No, it's not a good look, gain some self-control

And deep down I know this never works

But you can lay with me so it doesn't hurt

Oh, won't you stay with me?

'Cause you're all I need

This ain't love, it's clear to see

But darling, stay with me

Haaaay Dean ang ganda ng boses mo. Inggit ako.

Pumalakpak ang lahat ng matapos niyang kantahin yun.

Let's Marvin Gaye and get it on

"Ay! Wooh! Charlie Puth!" sigaw ni Paige dahil talagang favorite na singer niya si Charlie Puth.

Oh! The song that really gave me chills and all the feels.

Nagtilian ulit lahat ng marinig ang boses ni Dean. Sumabay ulit ako sa tilian.

You got the healing that I want

Just like they say it in the song

Until the dawn, let's Marvin Gaye and get it on

Pinakinggan ko lang yung kanta na yun hanggang matapos.

Bumalik na kami sa classroom pagkatapos nun.

Buong araw ay diniscuss lang namin yung diary.

[A/N]:

As per request, eto na, inupdate ko na. Hello! I'm back :) Sorry wala kasi akong pang-update kaya hindi ko na ulit na-update pero eto na nga ulit kasi ang daming nagrequest :) May continuation 'to. Yung next, yun na talaga yung kilig part!

Right Time (c) yanignine

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon