May konti pa kaming school scenes na di pa tapos kaya tinapos na namin yung iba after class.
Habang wala pa yung iba, nagkwento ako kay Anika, Ferline at Rayela about sa feelings ko kay Dean.
Di ko alam pero naiyak talaga ako ng sobra.
Palapit sa amin sila Dean, Hans, Daniella, Martin. Kasama nanaman pala nila si Maegan. Katabi pa niya si Dean :(
Nakita siguro ni Dean na umiiyak ako pero hindi niya ako pinansin o nilapitan man lang.
Lumapit sa akin si Hans at Martin at tinanong sa akin kung bakit ako umiiyak.
Buti pa sila may care, eh yung tropa nilang si Dean. Wala! :(
Pinipicturan ako ni Dean.
"Ano ba Dean, kailangan ba yan? Pwede ba itigil mo yan." sabi ko.
Nagulat ako sa nasabi ko.
Nainis lang siguro ako kasi sobra na akong nagseselos sa kanila ni Maegan?
"Sabihin mo na kasi." sabi ni Martin.
"Bahala na. Wag niyo nalang sabihin kay Dean ha." sabi ko.
Lumayo muna ako at nakita kong kausap ni Hans at Martin si Dean. Aba!
"Aila, halika!" tinawag ako ni Dean.
Lumapit ako.
"Ano yung sinasabi nila?" napatingin si Dean kila Hans at Martin.
Napatingin ako kila Hans at Martin. Sabi na eh.
"Wala kaming sinabi ah!" sabi ni Martin.
"Aila, sabihin mo na kasi." pagpupumilit ni Hans.
"Hayaan mo na." sabi ko.
Hinayaan ko nalang sila dun at nagstart na kaming mag-shoot sa hallway.
Yun yung part na binubully ako at kailangang kaladkadin ako ng bongga.
Si Jace ang sumabunot at kumaladkad sa akin.
Anshaket sa legs hahahaha.
Andun din si Maegan na isa sa mga bullies.
After ng scene na yun ay inasar ako ni Anika.
"Grabe kayo kay Aila. Nag-aalala tuloy si Dean." sabi ni Anika sabay tawa.
Hindi ko nalang pinansin yun.
Nagpunta na kami sa elementary department dahil tapos na kaming mag-shooting.
Kinukulit parin ako nila Hans at Martin na sabihin yung nararamdaman ko kay Dean. Pati si Maegan, Anika at Ferline ay nakisali na din. Chineer pa nila ako.
I made up my mind. Sasabihin ko na.
"Sige, patawag nalang si Dean." sabi ko kila Hans at Martin.
Lumapit sa akin si Dean.
"Ano ba yun, Aila? Sabihin mo na." sabi ni Dean.
Medyo nairita ako sa pagkabagot ng boses niya.
"Sige na nga, umalis ka na nga. Hayaan mo na yun. Bye." sabi ko.
Agad din umalis si Dean.
"Oh! Halika na Dean!" tawag ni Maegan sa kanya.
Magkasama sila Maegan, Dean, Hans at Martin :(
Nagselos ako ng bongga.
Na-realize kong tinago ko nanaman yung feelings ko.
Nakikipaglaro ako ng tagu-taguan sa feelings ko :3
Nice move, Aila. Very good!
Sinayang mo yung chance na malaman niya yung feelings mo eh.
Right Time (c) yanignine
