CHAPTER #1

26.5K 444 30
                                    

Isang babae ang kakalabas lang ng banyo, naka bun pa ang towel sa ulo nya at ngayon ay naglakad papalapit sa kanyang dressing table.

Inilabas nito ang hair blower at hair iron sa isang drawer at sinimulang suklay suklayin ang straight nitong buhok na parang kakarebond lang hanggang sa ito ay matuyo.

Nakatingin ito sa may salamin at minamasdan ang sarili.

Saglit pa ay naglatag na ito ng mga pang kulay nya sa mukha at isa isa itong pinagmasdan na para bang tinatantya kung alin doon ang babagay sa kanya. Halatang marunong ito ma ayos ng sarili dahil kumpleto ito sa gamit sa pag aayos. Hanggang sa sinimulan na nito ang paghagod ng brutsa sa kanyang pisngi.

Maya maya pa ay tumayo ito at tinungo naman ang kanyang cabinet at isa isa itong hinalukay ang laman para mamili ng maisusuot, bag at mga accessories na maipapares sa damit.

Rhian's POV

"Sa wakas, naisipan din ng mga boss namin at mga team leader na tao din kami at hindi aliping sagigilid lang. Sobrang hectic ng schedules namin nitong nakaraang buwan at sa dami ng mga calls na napipick up ko, feeling ko nakausap ko na yata lahat ng tao sa buong mundo. Chos! But anyways, let go muna sa mga stress sa buhay, dapat pretty boom boom ako tonight dahil bukod sa libre ito ng company namin, matagal tagal na ding wala akong night life."

"Ay teka, before I forgot, Im Rhian, Rhian Denise Howell... Oh diba bongga? Pero pangalan lang yan, half british, ako pero buong buo ang pagka pinoy"

"Im 25 years old and nagtapos ako ng nursing. Ewan ko ba kung bakit yun ang kinuha ko na kahit alam ko namang bumubaha na ang ganong propesyon dito, sabihin na lang natin na bata pa ako e pangarap ko ng humawak ng stethoscope... Pak! Ganern! But as we all knew, dito sa bansa natin, kahit ano pa ang natapos mo, you will end up to a choice na maging Call Center Agent. Mas malaki kasi ang sahod at syempre habol ko din ang mga incentives dito. Dyan kasi ako magaling, sa sales at sa bolahan. Minsan may nagsabi sakin, bakit daw di na lang ako nag artista? Sumali sa starstruck, pumasok sa PBB...etc, Nako! Alam nyo kasi guys, nakakaawa naman sila pag nangyari yun, baka kamo mawalan pa ng trabaho yung si Rhian Ramos pag nagkataon... Lokalike ko daw kasi yun... And who knows, baka hindi si Pia Wurtzbach ang naging Miss Universe kung sakali... Char!"

"But the saddest part, I am single. Ewan ko ba, siguro dahil alam kong madaming lalaking humahabol sakin, kaya siguro lumalaki yung ulo ko dahil kampante akong marami akong manliligaw. Well, wala pa sa bukabolaryo ko ang lumagay sa tahimik. Bakit naman ako magmamadaling mag asawa? E ang sarap sarap maging buhay single... Alam mo yung may Freedom ka, nasusunod mo ang mga luho mo, barkada... Boys, etc. so come what may na lang. Ok nga yun e, sarili mo lang ang iniisip mo."

"Di naman kami mayaman, di din mahirap... Sakto lang. Dalawa lang kami magkapatid at ako yung bunso. Yung ate ko, si Nadine, nag seatle down na... Well, pumapasok din naman sa isip ko minsan na balang araw, gusto ko din magkapamilya. I wanted to meet my Prince, yung tipong magpapatino sakin, yung kagaya ng napapanood mo sa movie na biglang hihinto ang mundo ko and we will live happily ever after."

"Aaminin ko na lang din guys, tutal tayo tayo lang naman, Maganda ako. Totoo yan, tignan nyo pa ang picture ko sa taas ☝
Kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang habol ng mga lalaki sa akin. Yun ang problema ko e, mahal na nila agad ako kahit 3 seconds pa lang ang nakalipas. They dont even bother to know me firt or to know me deeper kaya nabobored ako dahil wala na ngang ka challenge challenge, wala pang thrill."

"Anyways, for now... Inienjoy ko na lang ang single life ko. At sana matuloy na ang pangarap kong mag abroad. O kapag napromote ako, alam kong tuloy tuloy na ito. Pero I admit, I wanna be in love. At pag nangyare yung, ako na ang pinakamapalad na babae sa buong kalawakan dagdagan mo pa na once makapag abroad nako, more money, more clothes, more shoes and more bags... Yassss!"

MISS-ter RIGHT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon