15. Weird
Isang galon ng rocky road ice cream ang binili niya. Bumili rin siya ng iba't ibang klase ng toppings na feature ngayon ng store para kami na ang bahalang magdisenyo doon. Kaso lang, mas napagkasunduan naming share na lang kami kumain doon sa galon mismo.
Ngayon ay magkaharapan kami sa isang maliit na table.
"Ano nga'ng problema mo? May pasigaw sigaw ka pang nalalaman..." tanong ni Ace at humalakhak.
Ngumuso ako at uminit ang pakiramdam ng mukha ko. Kanina pa niya ako kinukulit tungkol dito.
"Wala nga. Ayoko lang do'n kasi hindi ako kumportable sa dami ng mga tao," pagdadahilan ko.
"E 'di sana hindi ka na lang sumama. You should stay in your home if that's the case. Pinilit ka bang pumunta ni Marcus?"
Kumunot ang noo niya. He scooped one spoon of ice cream. Isinubo niya iyon at hindi agad tinanggal doon ang kutsara. Kumunot ang noo ko. Now, that's disturbing.
"Uy? Ayos ka lang?" aniya habang nasa bibig parin ang kutsara.
Dahan dahan niyang pinadausdos palabas ang kutsara sa bibig. Umawang ang bibig ko nang makita ang amos niya sa gilid ng labi. Nakakainis. Nakakairita. Ang kalat niyang kumain! Parang bata! Mukhang wala pa siyang balak punasan iyon ha?
"Do I have a dirt on my face?" halos matawa siya sa pagtatanong.
"Meron. Punasan mo nga! Nakakainis kasi," inihagis ko sa mukha niya 'yong tissue.
Kinuha niya ang tissue at pinunasan ang buong mukha niya. Napabuga ako ng hininga.
"N-nasa g-gilid ng labi mo..." umiwas ako ng tingin.
"Ha? Saan? Wala naman!" inihagis niya pabalik sa mukha ko 'yong tissue.
Napasinghap ako sabay tingin sa kanya. Kita mo 'to!
"Ang baboy mo naman!"
Humalakhak siya.
"Pinagtitripan mo 'ko, e," ngisi niya.
"Meron nga kasi," inis kong kinuha ang tissue at inabot ang pagitan naming dalawa. Pinunasan ko ang amos niya at nagconcentrate sa gilid ng labi niya dahil ayaw pang matanggal agad. "Ayan! Wala na!"
Inihampas ko sa mukha niya 'yong tissue. Umupo ako ulit at kumain muli. Hindi siya umimik.
Tumingin ako sa kanya at sa ice cream pero napadouble look ako sa kanya nang makitang nakatulala siya at namumula ang buong mukha mula leeg habang nakaawang pa ang labi.
"Uy? Ano na?" kunot noong tanong ko.
Pinitik ko ang noo niya. Napakurap siya ng ilang beses at agad sumubo ng malaking scoop ng ice cream. Napangiwi ako sa ginawa niya.
Ngayon ay lobo na ang magkabilang pisngi niya dahil sa ginawa.
"Para kang patay gutom!" tumawa ako.
Hindi niya ako pinansin. Nagconcentrate siya sa paghahanap ng kung ano sa ice cream.
"Huwag mong haluin!" angal ko nang makitang parang may hinuhukay na siya roon.
Sumubo siya ulit. Ang kalat niyang kumain! At ang inosente ng mukha niya ngayon. Kinagat ko ang labi para magpigil ng tawa.
May narinig akong hagikgik sa isang tabi. Paglingon ko sa kanang mesa namin, 'di kalayuan ay may mga babaeng pasimpleng kumukuha ng pictures nitong kasama ko gamit ang kani kanilang mga gadgets. Napanguso ako.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
ChickLitKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...