OYOM 46

2.3K 77 94
                                    

Last four chaps then the Epilogue. POV ni Ace sa Epilogue. Thank you so much!

46. Completely

She immediately pressed the button in the lift. Kaagad iyong nagsara. Pinigilan ko pero huli na dahil naisarado na niya ito kaagad!

Dammit! Mabilis akong pumunta sa staircase para bumaba. Nang marating ko na ang palapag kung nasaan may available na elevator ay sumakay ako doon kaagad. 

Mabilis ang tibok ng puso ko. I need to hear from her the truth! Gusto kong aminin niya sa aking nagsinungaling siya noon! I want to be freed from something to ponder about. 

Pagbaba ko sa lobby ay halos takbuhin ko ito hanggang sa main entrance ng building. Inikot ko ang paningin at halos mapamura talaga ako nang hindi ko na siya natagpuan.

Pumikit ako ng mariin sa pagkairita sa sarili. Kinatok ko ng ilang beses ang ulo ko at napahilamos na lang. Now, you go to Ace! Kayo ang mag usap!

"You! You are the reason why!" narinig kong sigaw ng isang babae.

Napatingin ako sa eskandalosang sumigaw. Naningkit ang mga mata ko nang makitang si Beatrice ang sinisigawan niya. 

The girl's wearing a short and sexy, tight red dress. Mataas ang pulang stilleto'ng suot kaya mas matangkad siyang tingnan kay Beatrice. Kulot ang kanyang buhok na hanggang baywang, kasinghaba ng sa akin. 

"Rhian! Nandito ka lang pala..." si Elise.

Tumingin ako sa kanya. May ilang folders siyang dala at mukhang kagagaling niya lang sa lunch.

"Isasabay sana kita kaya lang, narinig ko kina Randy na inorderan ka raw ng pagkain ni Boss? Totoo ba? Anong ibig sabihin no'n?" ngumisi siya.

Umiling ako, "Wala 'yon."

Naglakbay ang mga mata ko papunta kina Beatrice.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, miss. If Ace didn't pursue you, he simply doesn't like you. Ganoon iyon..." kalmadong sinabi ni Beatrice sa babae.

"Oh no, dapat hindi na niya sinagot."

Napatingin ako kay Elise. Nanunuod din siya sa nangyayari. 

"Bakit, Elise? Sino ba 'yang babae?" hindi ko maiwasang 'di magtanong.

Tumingin siya sa akin na para bang isa akong mangmang dahil hindi ko alam. Nagtaas ako ng kilay at muling tumingin sa pagtatalo ng dalawang babae sa hindi kalayuan.

"That's the famous Grace Sy Vasquez of M&Co, Human, Ensembles and whatever popular clothing line it is. At medyo masama ang ugali. Kaya kawawa 'yang si Beatrice sa pagsagot niya. Kabahan na siya!" umiling iling pa siya habang nagsasalita.

Napatitig ako sa babae. Naalala ko iyong article na nabasa ko sa magazine. 

That's her! Grace Sy Vasquez. Oh, my God! She's pretty and have the hots. Sigurado bang tinanggihan ni Ace ang ganito kagandang babae? At para kanino? Para kay Beatrice...

Kinagat ko ang labi.

"Then I think, we should help her?" sabi ko.

Mabait si Beatrice. Kung mapupunta man si Ace sa iba ay gugustuhin kong sa kanya na lang. I don't want that Grace for Ace if her attitude is the opposite of her beauty. Lumunok ako. No. I am not saying that I'm giving up Ace that easy. In case lang na talagang naglaho na ang pag-asa ko, Beatrice is better than Grace. Pero hindi ko pa rin talaga kayang tanggapin na wala na...

"What? Ayoko nga. Mahal ko pa ang buhay ko 'no! At ikaw, mahalin mo rin ang buhay mo," sinipat ako ni Elise.

Nagpatuloy sa pagbibintang si Grace kay Beatrice. Tinitimbang ko ang sitwasyon. I should help her, right? But then, they were just talking. Pero hindi nagtagal ay tumataas na naman ang boses ni Grace. Kalmado si Beatrice na nagsasalita pero bigla siyang sinampal nito!

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon