38. Firm
"That's it, then? He didn't chase you or anything?" Lucy frowned.
Umiling ako at ngumisi. Mukhang mas apektado pa siya kaysa sa akin. Para ngang siya pa itong nanggagalaiti sa lalaking pinaguusapan namin ngayon.
"How would he chase her if in the first place, he didn't know na aalis si Gayle? My God, that's a simple logic," umirap ang umiiling na si Caia.
Nag iwas ako ng tingin. Ibinaling ko ang atensyon sa mga application forms na nagkalat sa mesa namin. Tumingin rin doon si Caia at nginiwian lahat ng ito.
"For goodness sake, Gayle! We are having lunch. Can't that wait?" iritado niyang sabi.
Tumawa ang mahinhin na si Lucy. Maarte talaga 'tong si Caia. Palibhasa ay stress siya ngayon sa trabaho dahil pinag-iinitan siya ng boss namin kaya't inis na inis pag may nakikitang mga gamit na konektado sa trabaho.
Sa ilang taon naming pagkakaibigan ay ngayon pa lang nila nahalungkat ang tungkol sa 'lovelife' ko kung lovelife nga ba iyong matatawag. Ipinakwento nila iyon sa akin. Hindi naman na rin ako affected dahil matagal tagal na rin itong nangyari. It's been five years...
Tumunog ang cellphone kong nasa bag kaya agad agad kong inilabas iyon. Napangiti ako nang mabasa ang message.
From Marcus:
It's lunch. Hindi ko namalayan ang oras. Wala ka sa office mo. Where are you?
"Hmmm... smiling like an idiot again. Hulaan ko pa ba kung sino?" ani Caia.
Gulat akong napatingin sa kanya. Nakangisi siya ngayon sa akin ng nakakaloko. Kumunot ang noo ko at natawa na lang. Baliw!
Nagtipa ako ng sagot.
Ako:
Aw, we're already having lunch. I'm with the two girls. Kaya 'wag ka nang mahiyang imention ang pangalan niya...
Hindi na siya nagreply. Natawa ako. Paniguradong nangangamatis na naman ang mukha no'n ngayon!
"Si Marcus?" ani Lucy.
Nag-ikot siya ng pasta sa kanyang tinidor. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Bahagyang mapula ang balat niya dahil sa lamig rito sa Nevada.
"Yes. Si Marcus," ngumisi ako.
"What's with that smile? It's creepy..." ngiwi niya na tinawanan naming dalawa ni Caia.
I couldn't imagine myself laughing like this five years ago...
Noong 18th birthday ko, pakiramdam ko ay sobrang nadepress ako. Hindi natuloy ang binabalak na party para sa akin ni Ate Shan. Lahat ng pinagplanuhan ay hindi natuloy, maliban na lang sa pag-alis ko.
It's eight in the morning then... pumunta ako sa malapalasyong bahay nina Ace para sana makipag-ayos... para magpaalam ng maayos dahil napagtanto kong hindi ko pala kayang umalis ng hindi man lang inaayos ang kung anong gulo sa pagitan namin. Dahil kilala ako ng mga tauhan nila roon ay pinapasok ako agad agad. I'm excited, yeah... namiss ko siya, e... but I've never expected what I saw.
Something's surprised me... they were kissing...
Ramdam na ramdam ko ang pag guho ng pag-asang nararamdaman ko. Hindi ko makakalimutan ang postura nila. Si Kiara na nakakapit sa leeg ni Ace habang nakatingkayad para maabot ang labi niya...
Of course, hindi ako nagtagal. Hindi ako nagpakita. Umuwi akong luhaan habang iniinda ang lahat. He's my first heartbreak. Akala ko noon, mga over react lang ang mga nababasa ko sa libro... iyon pala ay ganoon talaga kasakit ang masaktan ng taong mahal mo.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
Literatura FemininaKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...