OYOM 33

2K 64 121
                                    

33. Bigger Problem


Nang uwian ay kinidnap namin si Axel para masagot ang ilan sa mga tanong ko. Mabuti na lang at medyo nahuli siya sa paglabas ng room kaya nagkaroon kami ng pagkakataon ni Ashley na mahablot siya.  

"Ano ba talagang pag-uusapan natin? Mukhang importante, a?" itinuro ni Axel ang mga mukha namin at tumawa. 

Umirap si Ashley. 

"Let's go somewhere," aniya.

Nang bumalik kami sa room kanina after lunch ay tahimik lamang ako. All the time, my head was bowed down. Laking pasasalamat ko dahil ni hindi ako sinubukang kibuin ni Ace. Pabor iyon sa akin dahil 'di ko alam kung pa'no siya ia-approach. Pero batid ko ang pagtitig ni Ace sa gawi ko. Umaakto lang akong hindi nakararamdam.

Ngayon ay narito kami sa isang coffee shop na malapit sa Z.U. Magkatabi si Ashley at Axel habang ako ay nasa harap nila. 

Axel's ticking his index finger on the table. Naniningkit ang mga mata niya sa amin.

"Para kayong mga namatayan. Ano ngang meron?" Ngisi niya.

"Itong kasama ko ang namatayan!" highblood na sinabi ni Ashley. 

Ngumuso ako at sumimangot. 

"Parehas lang naman tayo..." bulong ko.

Tumikhim si Ashley nang tumawa si Axel. Mukhang ang saya saya nito a? Mabuti pa siya at parang walang problema.

"Let's not waste our time. Magsimula na tayo. Sino si Kiara Hymn?" seryosong tanong niya sa katabi.

Nawala ang mapaglarong ngiti sa labi ni Axel. Halatang nagulat siya sa topic na binuksan ni Ashley.

"What about her?" nagtatakang tanong niya.

"Girlfriend ba siya ni Ace? Nililigawan? Childhood sweetheart? Fiance? ANO?" sunod sunod na tanong ng best friend ko.

Nagpigil ng tawa si Axel at nagtaas ng kamay.

"Chill!" Ngumisi siya.

Nagbuntong hininga si Ashley. Halatang nagtitimpi na lang siya. Kapag ganitong wala siya sa mood ay maiksi lang ang pisi niya. Madali siyang mainis.

Ibinaba ni Axel ang mga kamay at pumangalumbaba. 

"Heto na! Heto na! Sasagot na ako!" tawa ni Axel. "Interrogation ba 'to para sa future girlfriend ng Kambal ko?" ngumisi siya sa akin.

Halos iisa lang talaga ang mukha nila ni Ace. Only that Axel's eyes has the softer version, unlike Ace's which has the most intense one. Parang palaging manununtok. 

Hay, Rhiannon! Naaalala mo na naman siya. Nag-iwas ako ng tingin. 

Si Ashley lang ang hahayaan kong magsalita. Hindi ko mahanap ang boses dahil kinakabahan ako sa maaari niyang isagot sa amin.

"Akala ko ba sasagot ka na!?" ani Ashley, mukhang mapipigtas na ang pasensya.

"Sshh. Chill sabi!" tinapalan bigla ni Axel si Ashley ng cheesecake sa bibig. "Ayan! Para walang maingay." Tumawa siya.

Sinuntok siya ni Ashley sa braso kaya lalo lang siyang natawa. 'Di nagtagal ay bumaling siya sa akin.

"Game!" ngumisi siya ng nakakaloko, "Kiara is our childhood friend. Ace's also. Childhood friend, huh? Not sweetheart. There's always a thin line between that." 

Nagkatinginan kami ni Ashley.

Itinagilid ni Axel ang ulo at ngumiti ng hilaw, "We're close. But she's closer to my brother. She's nice... but a very possessive one to Ace. Lahat ng crush dati ni Ace, inaaway niya. That's before she went to the U.S. Ewan ko lang ngayon..." nagkibit siya ng balikat.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon