OYOM 42

2.1K 63 69
                                    

42. His Way


Muli akong bumalik sa trabaho matapos bumuti ng kalagayan ni Daddy. My decision is final. Tatapusin ko lang ang kontrata bago ako umalis ng kompanya. I'm going back to the Philippines.


"I'd miss you! We'll visit you there next summer. You should accommodate us!" ani Caia.

"Yes, of course! We're going to the native land of Valencia's." Ngisi ko kay Lucy.

"Ayun!" umakbay at ngumisi si Marcus sa kanya.


Kahit sila ay mamimiss ko rin. Syempre, sa presensya nila ako nasanay. Lalo naman sina Mommy. Kung pwede lang silang isama, e. Kaso ay marami silang inaasikaso rito. Si Daddy sana, kaya lang ay kailangan niya ang mga magagaling na doktor para magamot siya kaagad.

Dalawang buwan lang ang itinagal ko. Muntikan pa akong hindi pakawalan ni Sir Isaiah nang magsubmit ako ng resignation letter. Inayos ko naman ang lahat bago ako umalis. Naghanap ako ng papalit sa akin, tinapos ko ang mga kailangang trabahuin and such.


"Call me when there is a problem, Rhiannon. Doon ka na sa bahay mag-stay nang mayroon namang manirahan doon!" sabi ni Ate Shan, karga-karga ang kanyang bunsong natutulog sa kanyang balikat.

"I wanna go with her! I wanna go!" yumakap sa akin si Legacy.

Umiling kaagad si Ate, "No, no, no. The answer is no. You're not going anywhere."

"Then don't go!" galit niyang sigaw sa akin.


Ngumiti ako at hinaplos ang brown at maalon niyang buhok. Iniunat ko ang kunot ng kanyang noo at hinalikan iyon. Nasa akin ang atensyon ng kulay abo niyang mga mata.


"I'm sorry, cutie. But Aunt needs to go. It's eee-mer-gen-cy."

"That's where doctors go! I should go! I'm a doctor, remember? You told me, I'm your doctor!" sigaw niya.


Pinalo niya ang binti ko dahil iyon lang ang abot niya. Tumawa ako. Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi.


"Yes, you are my doctor. But there's a lot of person you need to cure here. They need you, cutie."

"But... Don't you need me too?" humikbi siya.


Marahan kong pinunasan ang nangingilid niyang luha. Ngumiti ako ng marahan.

Napalapit siya sa akin ng husto dahil palagi akong kasama sa pag-aalaga sa kanya habang siya ay lumalaki. And now, she's five. Ang bilis ng panahon.


"Of course, I need you. Grandpa Rex needs you more than I do. Stay with Grandpa, alright?" malambing kong sinabi.

Sumimangot siya at tumigil sa pag iyak. Parang may napagtantong kung ano.

"Okay! I'd undergo Grandpa in his first treatment. Just go back in here..." mahina niyang sinabi.

Tumango ako at ngumiti. "Yes, baby..."

Nagpaalam na ako sa kanila.


Isang medium backpack lang ang dala ko. Bibili na lang siguro ako roon pagdating ko. Besides, kailangan kong umabot sa Job hiring na isinasagawa ng Ortega Veteran Holdings ngayon. Ayon kay Ashley ay until next month na lang ito. And now, I'm ready to go...

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon