OYOM 43

2K 62 65
                                    

43. Smile


Medyo malayo ang Gramercy kaya paniguradong matatagalan kami. Tahimik siyang nagmamaneho, ako naman ay hindi mapakali. Nakatingin lang ako sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na marami na pala talagang nagbago.

Tama ang sinabi sa akin ni Ashley. He really builds that invisible wall. Ngayon ay kahit magkatabi kami, parang hindi ko siya maabot. Parang ibang tao na siya kumpara sa Ace na nakasanayan ko noon.

He became miserable because of me. Sobra sobra akong nagsisisi. Kung sana, hindi ako nagpadala sa kung anong sinabi sa akin ni Kiara. Kung sana hindi ako umalis ng walang pasabi. Siguro ay hindi siya naaksidente. Hindi sana siya na-comatose. Sana, hindi ko siya nasaktan.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko nakita kung gaano kalala ang nararamdaman niya para sa akin noon. To the point that he self destructs. Kung tuluyan siyang hindi nagising ay hindi ko na alam ang gagawin. Maybe I'd self destruct too.

Kahit na wala pa ang paliwanag niya, ramdam kong napatawad ko na siya. Damn it. I still love him. Marami na siyang nagawa. It's my turn to pay all the time he wasted for me. 

Babawi ako. Kahit na ngayon ay parang malabo nang magustuhan niya ang gagawin kong pagbawi, gagawin ko pa rin.

Ngumuso ako nang mapansin ang pamumula ng mga tainga niya. Tumikhim siya at itinuro ang stereo ng sasakyan.

"If you're bored, you can play music... 'di ko dala 'yong ipod so stick with that if you want," masungit niyang sabi.

"Huh? No, I'm not bored. Nalilibang naman ako..." 

Nakita ko ang pag iigting ng kanyang panga. Nang mag red light ay inihinto niya ang kotse at siya ang kumalikot sa radyo. Bumungad ang isang pamilyar na kanta. Lumapad ang ngisi ko nang mapakinggan ito.

"And every story ends, eh

But we could still pretend, yeah eh

Every single moment will be just as we had planned

It was some type of love

That's some type of love..." 

Nakita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Maybe he didn't want that song because it might remind me of him? Hindi ko siya masisisi. Tanggap ko namang ayaw na niyang bumalik pa doon. Pero may magagawa ba siya kung gusto ko iyong balikan?

"Maganda iyan!" pumalakpak ako at tinodo ang lakas ng volume nito.

Sinabayan ko ito ng kanta.

"When the world's on fire we won't even move

There is no reason if I'm here with you

And when it's said and done I'll give me to you..."

Biglang namatay ang radyo. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Kitang kita ang frustration sa mukha niya.

Naningkit ang mga mata ko.

Are you still affected, Ace? Isang kanta lang iyon. Kung sa isang kanta lang na iyon ay apektado ka na, then it means my chance is growing. 

Ayokong itaas ang pag-asa ko pero ito ang nakikita ko sa ngayon. Nagdidiwang ang pakiramdam ko sa simpleng kilos niyang iyon! Hindi ko maiwasang umasa.

Kinagat ko ang labi para pigilan ang pag ngisi. 

Mabilis kong kinalabit muli ang stereo at narinig na patapos na ang kanta. I groaned.

"Natapos na tuloy! Bakit mo ba pinatay? Ang ganda ganda no'n. Hindi mo ba alam na mahalaga ang kantang iyon sa akin?" 

"Matulog ka na lang." Malamig niyang sinabi.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon