In-uninstall ko ang wattpad app sa phone ko dahil OJT namin this summer. I need to focus. Kaso... hindi ko pala kaya. So I installed it again. Marami akong stories na inaabangan at hindi ako mapalagay ng hindi sila nababasa. Namiss ko ring mag-UD so, here. Thanks for reading this, anyway :)
32. Bitter Realization
Hindi ako dinalaw ng antok kinagabihan. My mind is continuously wondering about the girl's voice. Kiara. Sino ba kasi siya? Bakit siya yumayakap kay Ace?
Binabaha na ng sari-saring konklusyon ang utak ko. Hindi kaya girlfriend siya ni Ace? Tapos hindi niya lang ipinapaalam sa akin ang totoo. O kaya naman... baka cousin? Cousin-tahan? Napailing ako. Baka fiance? Gaya ng mga nababasa ko sa mga libro. Uh... arranged marriage? Teka. Uso pa ba 'yon?
Inis kong ginulo ang buhok ko.
It's so very frustrating! Ni hindi ko naman makuha kung bakit ko pinag-aaksayahan ng oras ang pag iisip ng tungkol dito.
Umilaw ang phone ko. Hindi pa ito tumitigil sa kaiilaw dahil sa mga tawag at texts kanina pa. Hindi ko lang pinapansin.
Actually, last two hours pa ang huling tawag na nareceive ng phone ko galing sa number ni Axel. At ngayon... may tumatawag na naman. Only this time, ang pangalan na ni Ace ang nakaprogram sa screen.
Napatingin ako sa orasan. Ala una na ng madaling araw, a? Gising pa siya?
Tinitigan ko lang 'yong picture naming dalawa sa screen.
Selfie shot namin ito no'ng nasa snake island kami. Nakaakbay siya sa akin habang nakangisi at nakatingin sa akin. Ako naman ay nakatingin sa camera at nakangiti.
'Di nagtagal ay naputol ang tawag. May pumalit na tatlong sunod sunod na text messages.
Ace <3:
Rhi, are you still awake?
Ace <3:
Please, let's talk. Nasa tapat ako ng gate niyo.
Ace <3:
It's okay if you're already asleep, though. I would still wait for you.
Napasinghap ako. Madaling araw na! Ano pang ginagawa niya rito?
Mabilis akong nagpunta sa banyo at nag-ayos kaonti. Hindi ko na naharap ang magbihis dahil minadali ko na ang paglabas sa kwarto pagtapos ibulsa ang cellphone ko sa short pants ko.
Nag-ala ninja ako para makalabas ng bahay. Laking pasasalamat ko nga at tulog na rin ngayon si Manang Flor at ang mga maids.
Kahit ang mga guard sa guard house ay humihilik na sa mga upuan nila. Kaya madali kong naipuslit ang sarili ko.
Pagbukas ng gate ay naaninag ko na kaagad ang liwanag na nanggagaling sa sasakyan niya.
Nandoon siya. Nakasandal sa gilid ng kotse niya habang busy sa pagpindot sa screen ng cellphone. Nang tuluyan na akong nakalabas ay nahanap niya kaagad ako.
Lumiwanag ang mukha niya. Kahit madilim, kitang kita pa rin ang kumikinang niyang earring.
Ngumuso ako nang makita ang buong mukha niya dahil may napagtanto. I miss him!
Mabilis siyang nakalapit sa akin. Ako, nakatingin lang sa kanya.
"You're not answering my calls..." malungkot niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
ЧиклитKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...