OYOM 1

4.7K 121 66
                                    

1. Bulag

Sa akin silang lahat nakatingin. Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako o hindi na dahil inunahan na ako ng admin sa pagsasalita sa harap ng parents ko. Pangatlong beses na akong pabalik balik dito sa discipline office. It's a shame. Lalo na't matino ang record ni Jaylee noon at alam ng admins na kapatid niya ako.

"Your daughter is always disobeying our policy rules, Mr. Ortiz. Nagbigay na po kami ng memo para mainform kayo at nang mapagsabihan siya but we are really disappointed because she's here again..." mariin akong tinignan ng school admin.

Mas lalo akong napayuko.

"Give her a chance, kumare... Pwede pa siyang mabago. Besides, it's her ultimatum. Last chance na. Pag hindi pa siya nagtino ay kami na mismo ang maglilipat sa kanya ng school." ani Mommy.

Napanguso ako. 

Nagbuntong hininga si Mrs. Alvarez. Sumulyap siya sa akin bago bumaling sa parents ko. 

Mas lalo akong napayuko. Mabuti na lang at may bangs ako kaya natatakpan nito ang mukha kong ayaw kong makita nila ngayon.

"Alright. One last chance, hija.. Please, ayusin mo na. Ayoko rin namang mapatalsik ang inaanak ko dito. I'm just following the school rules." 

"Thank you po..." mahina kong sinabi. 

Pag uwi namin sa bahay ay mahigit isang oras ang iginugol ko para pakinggan ang sermon ni daddy. Tahimik lang naman akong nakinig. Sanay na ako. Palaging maling balita ang nakakarating sa kanila kaya pasaway ang tingin nila sa akin. Hindi naman kasi sila nagtatanong sa akin kung ano nga ba ang tunay na nangyari.

Kinabukasan, daig ko pa ang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil hindi pa ako nakakababa sa kotse ni Jaylee ay natanaw ko na agad ang mukha ng taong dahilan ng pagkakaroon ko ng pangatlong recond sa D.O kahapon.

 "Behave, Rhiannon. Kung ayaw mong abandonahin itong school..." sabi ni Jaylee nang nakalas ko na ang seatbelt ko.

"Oo na..." 

Lumabas na ako agad at hindi na hinintay ang sunod niyang pangaral sa akin. Paglabas ko ay napatingin sa gawi ko si Ace. Bwisit na kurimaw. Makita ko pa lang siya ay sira na agad ang araw kong hindi kagandahan.

"Five uwi mo 'di ba?" 

Napatingin ako sa sasakyan. Bukas ang bintana nito kaya nakikita ko si Jaylee. Dahil doon ay nakarinig na naman ako ng tilian sa paligid.

"Oo." Tumango ako. 

Umasim ang mukha niya sa akin. Siguro ay nakita niyang halos hindi na maipinta ang mukha ko.

"Good. Hintayin mo ako sa parking lot A, okay?" malambing niyang sabi.

"Okay..."

Nagpaalam siya bago muling pinaandar ang sasakyan. 

"Hello Rhiannon!" biglang may sumabay sa aking babae na hindi ko kakilala.

Sinulyapan ko siya sandali bago muling bumaling sa daan. Yumuko na lang ako. Sigurado akong si Jaylee ang pinupuntirya nito kaya ako ang nilalapitan. 

Halos lumipad ang mata ko sa pag irap nang madaanan ko ang kaisa isang tao na sumisira ng araw ko. Himala at hindi siya nakangisi ngayon, a?

"Malapit na ang birthday ng kuya mo a? May celebration ba?" hindi pa pala ako nilulubayan nitong fangirl ni Jaylee.

"'Di ko alam... ewan ko kung anong plano niya..." sabi ko ng hindi siya tinitignan.

"Talaga? Paki inform na lang ako kung meron ha?" hinaplos niya ang braso ko.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon