OYOM 20

2.2K 70 111
                                    

20. Sorry


"Kanina pa kita hinahanap. I thought that the staff did something bad on you," hinawakan ni Marcus ang siko ko.

Tumikhim ang nasa likod ko. Hindi ko siya nilingon. Instead, nginitian ko ng pilit si Marcus. 

"Hindi naman..." umiling ako.

"Mabuti naman kung ganon. I have something to tell you. Can we talk alone?" sumulyap si Marcus sa likuran ko.

Umawang ang labi ko. 

I look at Ace and saw his eyes intensely looking at us. Lumunok ako. Hindi na ako magugulat kung manuntok na lang ito bigla. Sa tingin pa lang, parang pinapatay na niya si Marcus sa isip niya. 

"Magkaibigan kami kaya ayos lang na marinig ko," tunog naghahamon  na sabi ni Ace.

Naglakad siya palapit sa amin. Hinila niya ako palapit sa kanya kaya natanggal ang pagkakahawak sa akin ni Marcus. Kinabahan agad ako. Baka magkaro'n na naman ng away!

"Ace... huwag na. Mag uusap lang naman kami ni Marcus. Go to your room." Sabi ko.

"Ano? Bakit 'di ko pwedeng marinig?" kumunot ang noo niya.

"Privacy?" umirap ako.

Ngumuso siya at umirap din. Kainis! Bakit mas lalo siyang gumwagwapo pag nagsusungit? Abot abot na naman ang tahip ng dibdib ko. Pinanatili kong iritado ang mukha ko kahit na pakiramdam ko ay ang saya saya ko. Bakit kaya?

"Tara na nga, Marcus." hinila ko siya palabas ng souvenir shop. 

Sumunod si Ace. Kinagat ko ang labi para magpigil ng ngiti. 

Right after this, I'll call Ashley. Kailangan kong maikonsulta sa kanya kung ano nga ba'ng nangyayari sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kahit ako ay masyado nang nawiwirduhan sa ikinikilos ko. Nababaliw na yata ako!

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Ace.

"Bro, can you spare us time alone?" iritadong hinarap siya ni Marcus.

Nahuli ko ang pagkuyom ng panga ni Ace. Mataman niyang tinignan si Marcus. 

Ang akala ko ay magmamatigas pa siya pero, "Right." Mariin niyang sinabi bago naglakad ng ilang hakbang palayo sa amin. 

Tumigil siya sa 'di kalayuan, nasa amin parin ang mga mata. Ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa parin ng board shorts niya habang ang medyo mahaba nang buhok ay sumasabay sa ihip ng hangin. He's handsome. Isama pa ang paborito kong white vneck shirt na suot niya.

"Uh... Rhian..." naagaw ni Marcus ang atensyon ko.

Tumingin ako sa kanya. 

Hindi ka na aasa, Marcus. I'm sorry but I need to cut this thing between us. Hindi ito tama at masasaktan ka lang sa huli kung hindi ko pa ito ngayon gagawin.

"Marcus, ako rin may sasabihin sana sa'yo..." panimula ko.

It's now or never, Rhian! Damn. I'm so freaking nervous.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. 'Di nagtagal ay ngumiti siya sa akin.

"Pwede bang ako muna-"

"Ako muna, please," nahihirapang giit ko.

Kung hindi ko pa 'to masasabi ngayon, 'di ko na alam kung anong mangyayari. Nahihiwagaan na ako sa nararamdaman ko. Kailangang tigilan na ito ni Marcus dahil wala na sa kanya ang atensyon ko. Kung ipagpapatuloy niya ito at kung tatanggapin ko man siya, masasaktan lang siya dahil wala na akong nararamdamang kahit ano sa kanya. Ayoko siyang lokohin dahil ngayon, medyo nalilinawan na ako sa mga bagay bagay.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon