OYOM 29

2.1K 72 112
                                    

29. I Do Love


Gabi na nang sumugod sa ospital si Ate Shan para sunduin ako. Naabutan niya kaming magkasama ni Ace sa labas ng kwarto ni Nanay Cora. Heto at pinapakain niya ako. 

Hindi kami pwedeng pumasok sa loob dahil ayon kay Jaylee kanina nang tinawagan ko siya ay hindi maaaring makita ni Ace na si Nanay Cora ang nasa loob. I don't know why because he didn't answer me when I asked.

"I am calling you how many times, Rhiannon. Ni hindi mo sinasagot!" iritadong bungad niya sa akin.

Tumayo si Ace at bumati kay Ate pero hindi siya nito pinansin ni tinapunan man lang sana ng tingin. Sumimangot ako.

"Low batt ako, Ate. I don't have charger with me." Maagap kong sagot.

Tumaas ang kilay niya at tumingin kay Ace. Hindi nagtagal ay ibinaling niya ang tingin sa pagkaing binili ni Ace para sa akin. Isa iyong styro na may lamang pork ribs, mga gulay, kanin at fried chicken. 

"Finish that, then we'll go." Aniya.

"Hindi po ako uuwi ngayon.." Sabi ko.

She pursed her lips. Alam kong tinitimbang niya ang dapat sabihin sa akin ngayon. She's always been like that. Lahat ng ginagawa niya ay base sa tama. Kung ano sa tingin niya ang nararapat, iyon ang kanyang ginagawa without thinking twice.

"You should go home. Saan ka matutulog dito? It's not even comfortable here. Sa bahay, makakapahinga ka ng maayos. I won't agree with what you are planning. Uuwi ka." Mariin niyang sinabi.

"But Ate! Nanay Cora is my responsibility! Dahil sa akin kaya siya nandito.  I can't leave her here alone." Pagmamatigas ko.

I can't leave here. Or at least hihintayin ko muna ang pagdating nina Jaylee at Ate Rose dito. 

"I already paid the bill of that woman and that's your only responsibility! She didn't die or anything. For goodness sake, mild bruises lang ang natamo niya. 'Wag mong idahilan iyan sa akin ngayon. And you," tumingin siya kay Ace, "thanks for being with my sister for tonight. You can go home. Uuwi na rin kami."

"Pero Ate naman..." napairap na ako sa pagkairita.

"Tama ang Ate mo, Rhi. Umuwi ka na muna. Ako na lang ang magbabantay-"

"No!" pigil ko, agad naalala ang bilin ni Jaylee. 

Kumunot ang noo niya pero hindi parin sana susuko nang nagsalita si Ate.

"I will leave Manong Cardo here to watch her, then! You could visit her tomorrow. Just go home to sleep!" ani Ate Shan bilang pagsuko.

Doon lamang nila ako napapayag. Saglit lamang ako pumasok sa kwarto para makapagpaalam sa tulog paring si Nanay Cora. Agad din akong lumabas dahil naghihintay sa akin si Ace at Ate Shan. Sabay sabay kaming lumabas ng ospital.

"I will drive you if you want, Ate Shannon," Ani Ace nang matapat kami sa sasakyan ni Ate.

Napatingin ako sa kanya. Ngumisi siya at kumindat sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti pero agad ding napawi iyon nang makitang sa akin pala nakatingin si Ate. Tumaas ang kilay niya kaya ngumiwi ako.

"Do you think I don't know how to drive?" mataray na sagot niya.

"Ah! No. I am just saying that maybe... I could drive the both of you? Sana..." nagkamot siya ng ulo.

Napanguso ako. He's so adorable! Naisip ko tuloy kung anong itsura niya kanina no'ng nag walkout siya? Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. 

"No, thank you. I know how to drive." pinatunog na ni Ate ang car alarm.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon