OYOM 14

2.3K 72 70
                                    

14. Pakiingatan

"Toast!"

Pinagbangga ng mga tao ang kanilang mga wine glass.

Malawak ang lugar na pinagdarausan ng party ni Rhea. Iyon ang pangalan ng birthday celebrant. Nasa isang pabilog na table kami nina Marcus, Zara, Ace at ang dalawa pang kaibigan ni Marcus, si Bert at Ferdinand.

"This party sucks," narinig kong sinabi ng katabi kong si Zara.

"Zara... Respect the celebrant. Inimbitahan ka na nga," ani Ace.

Tumahimik si Zara. Ininom niya ang kanyang wine ng deretso. Muntikan nang ako ang mapangiwi sa ginawa niya.

"You okay?" bulong ni Marcus.

Ngumiti ako at tumango, "Okay lang."

Nagsimula ang pagsasayaw sa celebrant para sa 18th roses. Nagpaalam sa akin si Marcus dahil isa siya sa mga magsasayaw kay Rhea. Pagkaalis niya ay dumeretso siya sa isang babaeng may dala ng mga rosas at kumuha ng isa.

"I heard Marcus is her last dance. Aren't you jealous?" nagsalita na naman si Zara sa tabi ko.

Mabuti na lang at umalis rin si Bert at Ferdinand dito kaya kaming tatlo na lang ang natira. Tumingin ako sa kanya at umiling.

"Bakit naman?" tanong ko.

Umirap siya, " You are too innocent."

Kumunot ang noo ko. Too innocent? Kung sabihin niya ang mga salitang iyon ay parang iyon ang pinaka nakakadiring salita sa buong mundo. Minsan talaga, hindi ko ma gets ang ugali ng babaeng ito.

"Masama ba iyon?"

Umiling siya ng dahan dahan, "Not if you know when to stop being so innocent."

Umiling na lang din ako. Hindi ko maintindihan ang ipinupunto niya.

Dumapo ang tingin ko sa katabi niyang tulala lang sa kanyang wine. Mukhang malalim ang iniisip. Ano kayang iniisip niya? May problema kaya siya? O bored lang? Katulad ni Zara?

"Bakit mo siya tinitignan?" bumalik kay Zara ang tingin ko.

"Huh? Sino?" pagmamaang-maangan ko.

Iginala ko ang tingin sa paligid para mas effective. Baka isipin pa niyang may gusto ako sa boyfriend niya. Wala 'no! Crush lang naman. Malayo pa ang pagkagusto sa bagay na 'yon.

Tumaas ang kilay niya sa akin. Parang hindi siya kumbinsido.

"You are too transparent. Ni hindi ka pa marunong magsinungaling. I wonder what Marcus found in you para magustuhan ka. Ni hindi ka naman ganon kaganda," umirap siya.

Suminghap ako. Nilalait na ba niya ako? Kasi parang iyon talaga ang naintindihan ko.

Muli akong tumingin kay Ace. Ngayon ay nakatingin na siya sa mga nagsasayaw. Magkatabi lang kami ni Zara kaya malamang, kami lang nitong maldita ang nagkakarinigan ngayon.

"Ano bang pinupunto mo, Zara? Alam ko namang 'di mo ako gusto. Sa simula pa lang. Pero huwag kang mag alala. Sayo na 'yang boyfriend mo. Hindi ko aagawin. Kaya kung ako sayo, titigilan ko na ang pagseselos ko sa walang katuturang bagay." Hindi na talaga ako nakapagtimpi.

Magmula nagsimula ang party, kanina pa niya ako pinag iinitan. Ewan ko diyan. Nakakairita na rin na parang ang laki laki ng kasalanang nagawa ko sa kanya dahilan para mag init ang dugo niya sa akin. Kahit wala naman talaga.

Tumawa siya. Umawang ang bibig ko dahil hindi ko inasahang tatawanan niya lang ang sinabi ko. Seryoso kaya ako! Nakakainis na siya.

"Pikon ka nga," ngumisi siya.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon