OYOM 22

2.4K 71 87
                                    

22. Even You



Gabi na ng makauwi kami. 

Sumabay ako sa sasakyan ni Ace dahil nagpresinta na rin naman siya. Isa pa, siya raw ang inaasahan ni Jaylee'ng maghatid sa akin sa bahay kaya pumayag na ako kaagad.

Tahimik kami sa sasakyan niya. I'm too sleepy to notice his glances.

Pabalik balik ako sa fitting room ng mall kanina dahil sa ginawa akong barbie doll nina Ashley at Cadence. Panay ang bigay nila sa akin ng mga damit na babagay daw sa akin. Now, I'm so tired. Feeling ko, naging personal model ako ng 'di oras.

"You want to sleep? Kukunin ko 'yong travelling pillow sa likod," ani Ace, bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan.

Umiling ako.

"Huwag na. Malapit na rin naman tayo," humikab ako at 'di napigilang pangiliran ng luha sa mata.

Ngumisi siya at umiling. 

Patuloy parin ang pagmamaneho niya, ngayon ay gamit lang ang kaliwang kamay. Ginamit niya ang isang kamay para abutin ang sinasabing travelling pillow sa backseat at inabot sa akin.

"Uh... salamat."

"You are welcome..." ngisi niya.

Umiwas ako ng tingin. 

Ewan ko ba kung bakit sa kabila ng malakas na kabang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami ay nagagawa ko paring maging kumportable.

I know I am getting across the line. Iyong balak kong pag iwas sa kanya? Ni hindi ko na nga magawa. I just can't do that. Pwedeng pwede kong gawin pero hindi ko kaya. Mahirap.

Getting attached is hard. Hindi ko man alam kung kailan nga ba ito nag umpisa, ayoko pa ring mapanatag. 

Minsan kasi, pag panatag ka na sa isang bagay, hindi ka na makakapaghanda sa mga posibleng mangyari. Sometimes, it will just surprise us that one day, the person who's always  by our side has already faded in our life with no exact reason why.

Magugulat ka na lang na wala na. Tapos na pala. Napadaan lang pala siya at wala nang balak manatili pa. At ikaw? Masasaktan lang dahil umasa ka sa wala.

"Anong iniisip mo?" tanong niya sa akin.

Iniliko niya ang sasakyan papasok sa gate namin. Hinintay niyang mabuksan iyon ng maayos ng mga guards. 

Nang makalapit kami sa bahay ay natanaw ko na agad ang nag aantay kong kapatid sa hamba ng pinto.

"Wala. Inaantok lang ako..." mahina kong sinabi.

Maayos niyang inihinto ang sasakyan at tumingin sa akin. Tumawa siya at umiling.

"Mukha nga. Sabi naman kasi sayo iuuwi na kita no'ng mga alas siete na," nagtanggal siya ng seatbelt.

Tinanggal ko rin 'yong akin. Nauna siyang bumaba. Bago ko pa mabuksan ang pintuan ko ay kusa na itong nagbukas. 

Nakangising mukha ni Ace ang bumungad.

"Baba na. Hinihintay ka na ng kuya mo. Lagot na naman ako," humalakhak siya.

Ngumuso ako. Bumaba ako at nag inat. Humikab akong muli. Ramdam na ramdam ko ang pagod. Sina Ashley kasi!

Kinuha ko ang mga paperbag na bitbit ni Ace. 'Yang mga iyan ang dahilan kung bakit ako pagod na pagod ngayon.

"Ako na. You're too sleepy to hold these. Ako na'ng bahala." inilayo niya sa akin ang mga paper bags.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon