35. Pity
"Open your skype. Gusto ko 'yong nakikita kita," aniya.
Hindi ko napigil ang pag ngiti ng malawak. Pareho na kaming nakahiga sa kama ngayon. Isinubsob ko ang mukha sa comforter.
"Rhi?" tanong niya sa kabilang linya.
"Oo na... ito na nga. I'd open it," ngiting ngiti ako!
"Okay, good."
Naputol ang tawag. Agad kong in-open ang account ko sa skype at kaagad bumungad sa screen ang mukha ko. Iyon ang profile picture niya. He's already calling.
Agad kong inayos ang mukha ko. Pinilit kong gawing seryoso ang ekspresyon kahit na mahirap. Kunwari ay mapipilitan lamang ako. Baka isipin niyang masyado akong excited para rito.
Nang ayos na ang lahat ay sinagot ko na ang call niya. Bumungad agad ang nakangisi niyang mukha. Nakatagilid siya ng higa habang kaharap ang phone. Ako ay ganoon rin habang may yakap na unan. Kitang kita ang background niya na royal blue ang kulay. Halos lahat ng gamit sa likod niya ay maayos na naka-organize.
Mas lalong lumapad ang ngisi niya. Hindi ko mapigilang 'di mangiti! My serious face failed me! Bigtime!
"I can't sleep. Kantahan mo ako?" nagtaas siya ng kilay.
Ngumuso ako, "Palagi na lang ako. Kung ikaw naman kaya?"
Tumawa siya at umiling, "No. I can't sing."
"Weh! Inuuto mo na naman ako. Dapat may kapalit ang pagkanta ko!"
Isinandal ko ang cellphone ko sa gilid para kahit hindi ko ito hawakan ay makakatayo pa ring mag isa. Ganon din ang ginawa niya. It's like he's really here beside me. Though, it is only by the means of screen.
Umakto siyang nag iisip. Hindi nagtagal ay ngumiti siya ng malapad sabay tingin sa camera.
"May naisip na ako..." aniya.
"O, sige nga? Ano?"
Ngumuso siya.
Kumunot ang noo ko, "Ano nga?"
Patuloy pa rin ang pagnguso niya. Parang nagpipigil ng ngiti na ewan! 'Di nagtagal ay humagalpak siya ng tawa.
"Slow mo talaga kahit kailan!"
Inirapan ko siya kahit nangingiti pa rin.
"Kung sabihin mo na lang kaya, 'no?" pagsusungit ko kunwari.
"Hmm... Okay! You can kiss me. Iyon ang kapalit," ngisi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Tumawa siya. Itinaklob ko kaagad ang comforter sa mukha dahil pinagtawanan niya pa lalo ang reaksyon ko! Ugh, kailangan pa ba iyong ipaalala?
"Para namang hindi pa natin 'yon ginagawa, Rhi. We've kissed, remember?" narinig ko ang panunukso niya.
"Tumahimik ka nga, Ace!" sigaw ko sa loob ng comforter.
After that very first kiss, hindi na namin iyon napag uusapan. Ngayon niya lang in-open up! Akala ko ay nakalimutan na niya. But I'm so wrong!
"Huy! 'Wag mo akong tulugan... kantahan mo muna ako," halakhak niya.
"Ayoko na! Nang-aasar ka. Nakakainis!" sabi ko kahit ngiting ngiti pa rin.
"Hmm? Really? Then i'd stop. Sunduin kita bukas a?" pagpapalit niya ng topic.
Tinanggal ko ang comforter sa mukha ko at tumagilid ulit ng higa, hinaharap siya. Nakangiti siya sa screen.
"S-sige.. sabihin ko kay Kuya. Baka kasi ma-late pa nga 'yon para lang ihatid ako," sabi ko.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
Chick-LitKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...