OYOM 23

2.4K 69 89
                                    

23. Confirmed


Kung alam ko lang na literal na paglalagalag ang gagawin namin, sana ay hindi na ako nag dress. Panay dress pa naman ang mga baon kong damit ngayon. 

And here we are now, kabababa lang sa kaniya kaniyang sasakyan. Sinalubong ako ni Ace ng ngisi nang pinagbuksan niya ako ng pinto.

"We'll climb!" masayang bungad niya.

Itinuro niya ang pataas na kalsada. Napangiwi ako. 

Sa paligid ng kalsada ay mga mayayabong na puno. Dinig na dinig din ang huni ng ibon mula rito sa kinaroroonan namin.

Lumapit sa amin ang mga kasama namin na katatapos lang din magpark ng sasakyan.

"Excited na ako!" bumungisngis si Ashley. 

Pumalakpak din si Cadence habang nakayakap sa braso ni Kuya Cliff. Pansin kong inilalayo niya ang kuya niya sa kasamang babae. 

"Here's your water, Rhiannon. Pag nauhaw ka, uminom ka kaagad," iniabot sa akin ni Jaylee ang isang bote ng tubig.

"Salamat." Kinuha ko iyon.

Inilagay ko iyon sa bulsa sa gilid ng bag ko. Tumabi sa akin si Ace. Tinignan siya ni Jaylee. 

"Mauna kayo... sumunod kayo sa tour guide." Aniya bago sumulyap kay Ate Rose na busy sa pagtingin sa paligid. 

"Sure!" humalakhak si Ace.

May kanya kanyang kasama ang magkakaibigang sina Jaylee, kuya Cliff, kuya Crone, kuya Nick at kuya Ashton. Si Ate Czarina ang kasama ni kuya Ashton at naeexcite ako dahil may balak na surprise wedding itong si kuya Ashton sa kanya. We were all informed maliban kay Ate Cza. Kasama rin namin ang mga kaibigan ni Ate Cza at 'yong kapatid niyang babae. 

"Mabuti na lang pala at nag flats ako," ngumisi 'yong kulot na babae'ng kasama nila.

Pinasadahan ko sila ng tingin. Sila ang mga nakita ko noon sa bahay no'ng birthday ng kuya ko. Unang tingin pa lang, mukha nang mga fashionista. Nahihiya tuloy akong lumapit sa kanila.

"Sis! Picture tayo!" 

Lumapit sa akin si Ashley na may kasamang camera. Ngumiti ako. 

"Sama ako!" yumakap sa braso ko si Cadence.

"Ako na nga..." kinuha ni Ace 'yong camera. "Okay, one... two.. three!" 

"Group shot!" 

Ilang beses pa kaming nagpicture picture bago kami nagpasyang magsimula na sa paglalakad. 

Malamig ang simoy ng hangin dito sa probinsya. Medyo tirik na nga lang ang sikat ng araw dahil tanghali na pero 'di naman kami masyadong naiinitan. Malilim naman kasi sa kalsadang ito dahil na rin sa mga puno.

"Do'n muna ako sa Kapatid ko ha!  Mukhang napapalapit na naman sila no'ng babae," ani Cadence at tumakbo papunta kina kuya Cliff.

"Bakod kung bakod!" tumawa si Ashley.

"Ikaw ba, 'di mo babakuran ang kuya mo?" ani Ace sa tabi ko. 

Napatingin ako sa kanya. Kumikislap ang black earring niya dahil nasisikatan ng araw. Ngumuso ako.

"Bakit ko naman babakuran?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya, "'Di ka nga pala possessive..." mahinang sabi niya.

"Huh?" 

"Ay! Exit muna pala ako. Do'n muna ako kay Caesar," ani Ashley at nagpunta malapit doon sa tour guide kung nasa'n si Caesar at 'yong kapatid niya.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon