Pang wakas

4.2K 83 144
                                    

Hanggang dito na lang. Salamat ng marami! Medyo mahaba. Sana hindi kayo mabagot. Haha!

PANG-WAKAS

"'Cause she's bittersweet

she knocks me off of my feet

And I can't help myself

I don't want anyone else..."

Nakatutok sa akin lahat ng mga mata ng mga kaklase ko habang kumakanta. All attentions are on me. 

Except for her.

Siya lang. Siya lang ang pangahas na hindi nagbibigay sa akin ng atensyon dahil abala siya sa pakikipagdaldalan sa katabi niyang si Ashley.

Pinapanuod ko ng taimtim ang bawat kibot ng labi niya. Damn that lips. Hindi ba pwedeng huwag muna siyang makipag usap at pakinggan na lang itong pagkanta ko? 

I prepared so much for this! Dahil ang buong akala ko ay papanuorin niya ako! Nakakawala ng gana. Kung ganito naman pala ay hindi na ako kakanta kahit kailan.

"She's a mystery

She's too much for me

But I keep comin' back for more

She's just the girl I'm lookin' for..."

Hanggang sa pagtatapos ng kanta ay hindi siya tumingin sa akin. 

Their cheer and applause dominates the whole room. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin kahit isang beses! 

Badtrip! Parang sinasadya niya pa. 

Nasayang ang pinaghandaan kong performance ngayong araw na ito. Walang kwenta! Damn!

Iritado akong umupo sa upuan ko at mabigat na binitawan ang gitara sa tabi kong upuan. 

Sumulyap akong muli sa pwesto nila. Inis na inis ako dahil hindi talaga siya tumitingin man lang sa akin! What's wrong with this girl? Bingi yata? Bingi? Hindi. Manhid!

Sa iyo ang kantang sinayang mo at hindi pinakinggan. Bahala ka.

"Ace! Ang ganda pala ng boses mo?" humilig sa akin si Isa at ngumiti.

Tinapunan ko siya ng tingin, "Thanks." Walang ganang sabi ko.

"Buti ka pa, marunong mag-guitar. Ako kasi hindi marunong..." kimi niyang sabi.

"Who cares," sabi ko sa pagkairita.

Nagulat siya sa asta ko. Umiling ako at kinuha ang bag para umupo sa bakanteng upuang nasa likuran ng upuan ni Rhiannon.

You don't want to look at me, huh? Then I will find a way to catch your damn expensive and precious attention.

Sumandal ako sa upuan at humalukipkip. Itinaas ko ang isang paa sa likuran ng upuan niya. Nasanggi ng sapatos ko ang kanyang puting blouse. 

Ngumuso ako. Nakalimutan kong tumapak nga pala ako sa medyo maputik na parte ng school kanina. Umiwas ako ng tingin sa kaba.

Nadumihan ko ang uniform niya! Shit. Bubuga na naman ito ng apoy sa akin.

"Hala, sis! Ang dumi!" ani Ashley na talagang nagsumbong pa, itinuturo ang bahaging nadumihan ko.

Pinunasan ito ni Ashley kaya mas lalong kumalat ang dumi. Nakita ko ang dahan dahang pagpihit ni Rhian para harapin ako. Madilim ang ekspresyon niya at parang papatay na naman ng tao.

"Ano na naman ba ang problema mo!?" singhal niya.

Namumula ang mukha niya dahil na rin siguro sa sobrang inis. Kung ibang dahilan ang pamumula nito ay magpapakasaya na sana ako. Kaya lang ay alam ko kung ano talaga. Naiinis na naman 'to kaagad sa akin.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon