19. Reject
Katahimikan ang naghari sa loob ng room namin. Ibinagsak ni Zara ang katawan sa malawak na kama at maarteng tinignan ang mga sariling kuko.
Kinagat ko ang labi para mapigil ang pagngiti. Hindi ko alam kung bakit parang gumaan ang loob ko nang marinig ang nakakagimbal na balita.
Umupo ako sa gilid at tinignan siya, hinihintay na magsalita.
"First thing's first. Gagawin ko lang ito para sa favorite cousin ko. Mahal ko 'yon kaya syempre, ayaw kong mahirapan siya. At hindi ako nakikipagkaibigan sayo ha."
Ngumiwi ako nang maisip ang kabuuan ng sinabi niya.
"Mahal mo siya? Ang sabi mo, magpinsan kayo? That's incest! 'Di kayo pwede!" suminghap ako nang mapagtanto iyon.
Ngumiwi siya sa akin bago umiling. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at pinagtaasan ako ng kilay.
"That's what you called storge love, dumb. Though it can also blend in with passionate love, the own meaning itself has different meaning. Hindi lahat ng love ay puro pang romansa. Hindi ka ba nakakaramdam ng pagmamahal para sa pamilya mo?" mataray niyang sinabi.
Ngumuso ako. She has a point.
"Nakakaramdam..."
"Then that's what I'm pertaining to! A love for family. And mind you, I am very protective of the ones I love. And I love Ace. Kaya kung ako sayo, babawasan ko na ng kaonti ang kainosentihan ko at aayusin ko na ang gusot kay Marcus. If you want Ace, then want him alone. Hindi 'yong padala dalawa!"
Humalukipkip na siya. Kung nakakasunog lang siguro ang tingin ay nagliyab na ako dahil sa tingin niyang nanununog.
Bakit ako ang sinasabihan niya ng ganito? I have not yet confirmed anything to her! Bakit nag aassume na agad siya ng kung ano ano ukol dito?
"Zara... Oo, aaminin kong naging crush ko si Ace. Pero dati iyon! Wala na 'yon dahil matagal na. Naging magkaibigan na kami. Tuturuan mo akong mang reject ngayon, 'di ba? Iyon na lang ang pagtuonan natin ng pansin," giit ko.
Tumawa siya. Kumunot ang noo ko. Kahit ang tawa niya, napakamaldita. Hindi ko maintindihan kung mabait na ba siya sa akin o talagang gusto niya lang na itulak kami ni Ace sa isa't isa.
Pero bakit ba niya ginagawa ito? Hindi naman kami magkaibigan para tulungan niya ako sa crush ko. Ay, teka. Bakit crush? 'Di ko na nga pala siya crush!
"Dumb ka talaga. Oh, well... ito na nga."
Umirap siya at umayos ng upo. Tumingin siya sa akin ng mataman.
"Pag nakaharap na siya sayo, huwag mo na'ng hintayin ang pagsasabi niya ng 'Will you be my girlfriend' dahil mas nakakahiya pag ganon. Nasa harap ka pa naman ng mga bitches and bastard friends niya kaya malamang sa malamang ay magalit sa iyo ang mga 'yon pag umayaw ka na. Just always think that you must reject him immediately. Bawal bukas o sa susunod na araw. Mamaya na dapat agad."
Kinagat ko ang labi ko.
I can't imagine myself rejecting something or someone else. Hindi ako sanay tumanggi. Hindi ko alam kung paano ipaglalaban ang standpoint ko. Kung paano ko maidadahilan kung bakit ko aayawan ang isang bagay ng hindi nakakasakit sa damdamin ng iba. I don't want to hurt anyone's feelings. Bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing alam kong mayroon akong nasasaktan.
And to reject Marcus? Mahirap gawin iyon. He's been kind to me. Mas lalong ayokong saktan ang taong minsang naging mabait at nagpakita ng pagpapahalaga sa akin.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
ChickLitKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...