OYOM 50

2.9K 80 77
                                    

This is the last chapter. Thank you at nakaabot ka dito! And for all the readers of this, salamat ng marami. 17K is the highest count of reads so far among my stories and we made it on rank #19 of CL. At sooobrang nagulat talaga ako. Satisfied na akong tapusin 'to dahil sa inyo. Thanks. Next part is the epilogue :)   

50. Not Ever

Nilanghap ko ang pamilyar na simoy ng hangin pagkababa ng eroplano. I sighed. Nakabalik na kami rito sa Pilipinas. 

Hindi ko maiwasang maging sentimental ngayon. Bumabalik sa ala-ala ko kung gaano kasakit ang pag alis namin dito the last time hanggang sa paulit ulit na naaalala ang naabutan sa ospital.

Mahigit tatlong buwan din kaming nagpalamig sa Las Vegas. I can say that my relationship with Beatrice have truly improved. 

Nilingon ko si Ate Shan na mala-model maglakad sa tabi ni Kuya Frank na siya namang may karga kay Shawn. Si Legacy ay agad tumakbo sa akin para magpabuhat. Naglalambing na naman ang batang 'to.

"You don't want to me, Lacy?" tanong ni Mommy.

Umiling si Legacy at ngumuso, "You're too old to carry me, Grandma. I could break your bones if you ever try to lift me up. I don't want that."

Nagkatinginan kami ni Beatrice at sabay ngumiti. Umirap si Mommy at tumawa.

"I'm not that old, Apo!" tawa niya.

"'My, hindi nagsisinungaling ang mga bata..." ani Ate Shan.

"Naku, Shannon! Stop telling my Apo that I'm old!" sabi ni Mommy.

Umiling na lang ako habang nangingiti. Maarteng nagpaypay ang pamangkin ko gamit ang sariling kamay.

"Aunt, it's so hot here!" malakas niyang sabi.

"That's why we need to find your Uncle Lee right now, Lacy. I want to go home because it's too crowded here. So uncomfortable," umirap si Ate Shan.

Tumawa si Beatrice. May itinuro siya at lumapad ang kanyang ngiti. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ngang si Ace na iyon kasama sina Axel, Ashley, Jaylee at ang kanyang asawa.

Natawa ako nang makitang inosenteng nakanguso si Ace habang may hawak na tarpo na may nakalagay na, "Waiting for my Rhian patiently: I'm here." 

Hindi pa niya kami nakikita. Sa ibang labasan siya nakatingin. Nakita na kami ng bestfriend ko at handa na siyang sumigaw. Sumenyas ako kina Ashley na huwag munang mag ingay.

"Akin na muna si Lacy, Rhian. So you can go to him..." ani Beatrice.

Tumango ako. Kinausap ko saglit si Legacy para pumayag na pakawalan muna ako. Nang nakuha na siya ni Beatrice ay tsaka ako dahan dahang lumapit sa kinalalagyan ni Ace sabay takip sa kanyang mga mata.

"Thank you for waiting patiently, Sir. I'm already here," ngisi ko.

Marahan niyang tinanggal ang mga kamay ko sa kanya. Hinawakan niya ang mga iyon at nilingon ako. He smiled. Hinalikan niya ang noo ko. Hinapit niya ako para yakapin ng mahigpit.

"I will always wait for you. You know that." Aniya.

Tumango ako. "I know you will..."

"Can you please move your cuddles later? I want to go home," singit ni Ate Shan.

"I want Aunt Rhian! Please give me to her!?" medyo galit na sabi ni Legacy kay Beatrice.

Masama ang tingin niya kay Ace. Natawa na lang si Beatrice habang ibinabalik sa akin si Legacy. Sumimangot si Ace nang binitawan ko ang kamay niya para kunin ang bata.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon