Special Chapter 2
"This is embarrassing," Ace muttered while gawking at the mirror.
I giggled while looking at him in a pink panther designed onesie. Inayos ko iyong hoodie sa suot niya at isinuot sa ulo niya. I fished out my phone from my onesie pocket but he immediately refused.
"Bakit?" sumimangot ako.
"Rhi, hindi pa ba sapat na napag-suot mo ako ng ganito? Why do you have to take a picture? Damn, this is embarrassing." Tinakpan niya ang sariling mukha. I took a shot right away. Ngumisi ako nang makitang obvious na obvious sa shot ko ang namumula niyang mga tenga. Hiyang-hiya siya, e kami rin naman ni Aislinn ay nakasuot ng ganito.
"Sabi mo kaya sa vow mo, gagawin mo lahat para mapasaya ako," I pouted. "And this is one of the things that can make me happy."
"Kaya nga 'di ba. That's why I'm wearing this tonight. Kasi alam kong sasaya ka pag nakita akong ganito ang suot," he mumbled.
"Pero mukhang labag sa loob mo."
Inirapan ko siya at lumabas sa kwarto namin. Pagdating ko sa living room ay naabutan ko si Aislinn na nakadapa sa couch at nanunood ng Dora. Ngumiti ako at tumakbo papunta sa kanya.
"So where's the next destination of Dora and Boots, baby?" I asked as I clung to her arm.
She glanced at me and immediately looked back at the TV. "They've been in the lake, Mom. Next will be the forest and lastly, they should climb the mountain for the apple trees. You've missed the first destination. Tagal niyo po kasi ni Dad bumaba."
I smiled as I'm stroking her hair. Aislinn Rhianaye is our five-year-old daughter. Sa dami ng letters ng pangalan niya ay tinatamad na siyang isulat ito. Mabuti nga at ito ang naging pangalan niya sa birth certificate niya. Ang unang suggestion kasi ni Ace noon ay puro pangalan ng mga lalaki. Say Ryan, George, Mico, Gio, Mark, Lucas, Pedro and such. Para raw iwas si Aislinn sa mga manliligaw paglaki. Pasalamat siya at nanghihina ako matapos kong ipanganak si Aislinn kaya hindi ko siya nabatukan ng malakas.
"Mom, I missed Kuya Raz. When will he go home?" she looks at me like she wants to cry. "Is he mad at me?"
I smiled and hugged her. "No baby. Of course not. Horace will never be mad at you. Gusto niya lang mag-sleep over kila Kuya Asarel. You know, it's a guy thing."
"But I want a sleepover, too!"
"We can invite Ashleigh here, you know."
"I don't want her! We're not friends!" humalukipkip siya.
She started whining about her brother for the next fifteen minutes. Good thing, Ace went down here. Agad tumakbo si Aislinn sa kanya at nagpakarga, nagsusumbong. Sumimangot ako. She's a Daddy's girl. Figures. Nakakaselos kaya.
Kinarga ni Ace si Aislinn at tumabi sa akin. Nanatili akong nakasimangot sa kanya. Hindi naman siya mahilig noon sa mga bata, e. Ngayon, parang mas magaling na siyang mag-alaga kaysa sa akin.
"You need to be a seven-years-old first like your brother, baby. We allowed Kuya Raz to go there because Tito Axel will surely look after him. And he's already in age. But you—" he kissed our daughter's cheek. "—You are our princess. You're too young. We have to protect you."
Dahan-dahang tumango ang anak ko. I pouted. Ang dali talaga niyang kausap pag si Ace na ang nagpapangaral sa kanya. Mabuti pa si Raz, ako ang palaging sinusunod.
Ace never failed to fulfill his promise to be a good father and a husband. Kahit noong buntis ako kay Horace at palagi ko siyang nasusungitan, his patience had never been an issue. Parang ang saya-saya pa nga niya pag ginigising ko siya sa kalagitnaan ng madaling-araw para bilhin o iluto ang mga cravings ko.
Aislinn had slept on his shoulders. Inalalayan ko siya sa pagtayo at nagulat ako nang bigla niyang inabot ang labi ko at hinalikan. My eyes widened but all he just did was to wink at me.
"She's asleep," he grinned.
"Iakyat mo na nga siya sa itaas at baka magising pa." I demanded and his smile widened. "What?"
"Maaga pa."
I nodded. "And you're wearing a onesie. Let's have a photoshoot, Ace!"
He groaned. "This favor from you definitely serves a price. You will pay me later, Rhi."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. I get what he's saying. Being a woman in a marriage life opened my mind into some things. Lalo na at si Ace pa ang pinakasalan ko. Napailing na lang ako at napangiti.
I guess we're spending the rest of the night, then.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
ЧиклитKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...