24. Ipagmalaki
Gabi na nang makarating kami sa hotel resort kung saan kami magpapalipas ng gabi.
Busy ang boys sa pag aayos ng mga kakailanganin sa kasal para bukas. Kahit kaming mga girls ay excited na. Well, except na lang kay Ate Czarina na walang kaalam alam sa mangyayaring kasalan.
Siguro ang inaasahan niya lang na magiging celebration ay ang para sa birthday niya.
"Na-contact ko na rin ang videographer at photographer. At 'yong church? Maaga daw ang set up bukas para fresh pa ang mga bulaklak na gagamitin..." ani Ashley habang nagtsitsek sa listahan niya.
"Excited na ako! Sana ganyan din ang gawin ng mapapangasawa ko in the future," humagikgik si Cadence.
Nasa kabilang room sina Ate Czarina. Kaming tatlo nina Ashley at Cadence ang magkakasama sa isang room.
"E 'di sabihin mo kay Calix!" humalakhak si Ashley.
Napatingin ako kay Ashley bago muling bumaling kay Cadence. Ngumuso siya at umirap pero napansin ko rin ang pamumula ng pisngi niya.
Naningkit ang mga mata ko.
"Hala... Crush mo si Calix?" manghang tanong ko.
Tumingin sa akin si Ashley at ngumiwi. Inirapan naman ako ni Cadence.
"Alam mo, Rhiannon. Let's just talk about Ace! Ano bang meron sa inyo, ha? Pansin ko, napapalapit na kayo sa isa't isa," ngisi sa akin ni Cadence.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Uh k-kasi ganon naman talaga pag magkaibigan, 'di ba? N-napapalapit sa isa't isa."
"Uh-huh?" ngumisi si Ashley.
Tinignan nila ako ng mataman. Sandali nga? Hindi ba ay kina Cadence at Calix ang usapan? Bakit sa akin napunta?
Agad akong nailang sa tinginan nila kaya nag iwas na lang ako ng tingin at humiga. Nagtaklob ako ng kumot.
"M-matulog na nga tayo. Goodnight!"
Tinawanan lang nila ako. But all thanks to them dahil hindi na nila ako kinulit pa.
Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na kaming lahat.
Si Ate Czarina na lang ang tulog dahil ayon kina Ate Mika, madaling araw na raw silang nakatulog dahil nagpunta pa sila sa high-end bar na nasa kabilang resort.
"Come on, Neo. That's what you called bridal shower!" reklamo ni Ate Chesca nang magreklamo si Kuya Ashton ng dahil doon.
"Bridal shower, my ass. Pa'no na lang kung may nambastos sa inyo do'n? Ni hindi ko alam na nagbar pala kayo!" inis na ginulo niya ang sariling buhok.
Hindi makatingin sa kanya sina Ate Mika. Kami nina Ashley ay tahimik lang dito sa isang tabi, nanunuod sa mga nangyayari. Sa isang banda naman ay nakita kong kausap ni Jaylee si Caesar at Ace.
"Possessive pala 'yang kuya mo 'no?" mahinang tanong ni Cadence kay Ashley.
Ngumuso si Ashley at tumango.
"Wala namang nangyari a? Nando'n nga siya sa kwarto namin ngayon at mahimbing na natutulog! Don't be so paranoid about it. Besides, nag enjoy kami... even your beloved soon-to-be-bride."
Sa kanilang lahat, si Ate Chesca lang talaga ang may lakas ng loob na sumagot sa kanya.
"You don't get my point, do you? Kung gusto ninyong mag bar, sana ay isinama niyo ako o kaya naman, sana ay hindi niyo na isinama si Czarina," inis na tumingin sa kanya si Kuya Ashton.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
ChickLitKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...