12. Crush Ko
"Hay! Kapagod! Gutom na ako." Reklamo ni Robin.
Hinaplos niya ang malaki niyang tiyan at nagbuntong hininga.
"Yeah. Pero at least, may lead profit na tayo. Hindi na tayo mangangapa dahil doon," segunda ni Brix.
Napatingin ako sa kanila. Halata na sa mga mukha nila ang pagod dahil kanina pa kami naglalakad dito sa farm ng mga Valencia.
Napabuga ako ng hangin at napapikit ng mariin. Tuyong tuyo na ang pakiramdam ng lalamunan ko.
"O, tubig..."
Napatingin ako sa kay Ace. Sunod ay doon sa inaabot niya sa aking bote ng tubig.
"Kunin mo na. Dalawa talaga dala ko."
I hesitantly accept it.
"Salamat."
Uhaw na uhaw na rin ako. Tirik na tirik kasi ang sinag ng araw ngayon. Medyo maputik rin ang nilalakaran namin dahil umulan kaninang madaling araw. Inabot kami ng tanghali sa pag canvas ng mga presyo ng mga prutas.
"Pagod na ako! Dapat hiniram natin 'yong mga kabayo nila dito nang 'di na tayo napagod pa," ani Cadence.
Inabutan siya ng towel ni Calix. Agad niyang kinuha iyon at ipinampunas sa noo.
"May paraan naman pala? Bakit hindi mo kanina sinabi 'yan sa amin nang 'di na sana tayo nahirapan sa paglalakad?" ani Ruffa.
Nagpamaywang si Cadence. Tumaas ang kilay niya at sumama ang timpla ng mukha. Uh-oh.
"Sorry ha? Hindi ko kasi iyan inisip kanina kasi hindi naman ganito kainit nang umaga. Sana kasi sinabi mo? Malay ko bang ganito katirik ang araw ngayon?" umirap siya.
"Calix, pahiram din ako ng panyo, please?" ngumiti si Polie kay Calix.
Tinignan siya ni Calix. Ganoon parin. Poker face.
"Don't you have one?" malamig nitong sabi.
"Wala, e. Kung pwede sana 'yong sayo-"
"Sorry, ako na ang gagamit." singit ni Cadence.
Hinablot niya ang panyo ni Calix at tumalikod na sa amin.
Tumawa si Caesar. Napatingin ako sa gawi niya at hindi ko sinasadyang mamataan ang nakangising si Ace sa tabi niya.
Hapon na nang natapos na kami sa pag canvas ng mga presyo sa poultry section. Hapong hapo ang pakiramdam naming lahat. I'm sure I will fall asleep immediately on our way back home.
Nagyakap si Lucy at Cadence. Ready na ang lahat para sa pag alis.
"O, pa'no, Couz? Gusto pa sana naming hintayin si Tita kaya lang maggagabi na. Bibiyahe pa kami," paalam ni Cadence.
"Sige! Ako na'ng bahala do'n. Maiintindihan naman niya. Ingat kayo ha?"
Ngumiti siya sa akin. Ganon din ako sa kanya. Pati ang mga kagrupo ko ay nagpaalam na bago kami nagsipasok sa van nina Cadence.
Nagpaiwan pa sandali si Cadence nang pumasok kami sa van. Siguro ay may mga pag uusapan pa silang mga bagay na mas pribado.
Gaya ng pwesto namin nang papunta rito, doon kami ulit nakapwesto sa likod ng van. Kami kami rin ang magkakatabi.
Hindi pa naisasara ang pinto ng van ay umihip na ang malamig na hangin. Niyakap ko ang suot kong jacket. Kahit suot ko ito, giniginaw parin ako.
"May isa pa akong pullover dito. Gusto mong hiramin?" tanong ni Ace.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
Chick-LitKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...