OYOM 30

2.2K 62 78
                                    

30. Visit


Makailang ulit ko siyang tinanong tungkol sa huling narinig sa kanya. 

He said he fell in love with me right after the first time he heard me sing. Kailan naman iyon? Sa pagkakatanda ko kasi, nitong summer lang ako kumanta sa harap niya. And he said he's loving me for years, right? Kung ganoon, kailan pa?

"It's a thing you should remember by yourself," ito lamang ang palagi niyang isinasagot.

As weeks passed by, mas lalo kaming napapalapit sa isa't isa. Sa tingin ko nga ay nasanay na akong palagi siyang kasama. Hanggang magpasukan ay ganoon parin siya. Mas lumala pa yata. Kaya kahit na hindi magtanong ang mga kaibigan namin, sa tingin ko naman ay nakararamdam na sila.

"What do you wanna eat?" tanong niya nang makahanap na kami ng table dito sa canteen.

Nag angat ng tingin si Ashley, Maya at Cadence sa amin. Ngumisi rin ang mga kaibigan niyang nakarinig nito. Uminit ang pisngi ko.

"Kahit ano..." sagot ko sabay iwas ng tingin.

Hindi parin talaga ako nasasanay na sweet siya sa akin sa harap ng maraming tao. 

"Walang 'kahit ano' na pagkain, Rhi," nagtaas siya ng kilay.

Sinimangutan ko siya. Pilosopo!

"Gusto ko ng gulay," sagot ko para manahimik na siya.

"Okay," aniya at tsaka umalis.

Namataan ko ang mapaglarong ngisi ng mga kasama ko. Umirap ako sa kanila at nagkunwaring normal lang ang nangyari.

Tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang tatlong texts ni Jaylee na nagtatanong kung uuwi ba ako kaagad mamaya. Madalas kasi ay ipinapasyal ako ni Ace sa kung saan pag wala kaming mga assignments na gagawin. Agad akong nagtipa ng sagot.

Nang nakaraang buwang nagpunta kami sa ospital, hindi na namin naabutan si Nanay Cora doon. Nalaman na lang namin sa nurse na nadischarge na pala siya ng madaling araw. At hindi ko na kailangang isipin pa kung sino ang naglabas sa kanya. Iritado kong tinawagan ang kapatid ko dahil hindi man lang niya ako hinintay para makapagpaalam man lang sa kay 'Nay Cora.

"Just don't tell Ace about this," aniya.

"E bakit nga?" medyo tumaas ang tono ko.

Tumikhim siya.

Nagbuntong hininga ako nang marealized na hindi tama iyon.

"I'm sorry... I'm just frustrated, kuya. Nababahala ako. Hindi ba iyan mahalaga para kay Ace? Bakit ninyo itatago?" naguguluhan kong tanong.

"He's not going to make this a big deal so don't worry-"

"Kung hindi naman pala big deal ang tungkol dito ay bakit pa natin itatago? Kuya naman... alam mong hindi ako sanay magtago ng mga bagay bagay. Paano kung magtanong siya tungkol d'yan? Magsisinungaling ako? You know I wouldn't do that!"

"He's not going to ask you if you don't bring out the subject-"

"Nakakainis ka naman, kuya!" sobrang naiirita na ako dahil hindi ko makita ang point nila.

Ilang beses niyang ipinaliwanag sa akin ang dahilan kung bakit hindi kailangang malaman ni Ace ang tungkol dito. Ayaw raw ipasabi ni Ate Rose dahil baka kunin ni Ace si Nanay Cora sa kanya. Kung bakit? Hindi niya sinabi sa akin.

Although I'm wondering if who's Nanay Cora to Ace, hindi ko parin pupwedeng itanong kay Ace ang tungkol sa bagay na iyon. Jaylee made me promised. It's for Ate Rose's sake daw.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon