OYOM 37

1.9K 59 62
                                    

37. Donor


"It's Kiara's birthday today..." 

Pinanuod ko ang paglagok ni Axel sa order na alak. Sumimsim ako sa cocktail na iniorder niya para sa akin.

"Kiara's mother really likes Ace to be with her daughter. Well, in fact, almost of Kiara's relatives thinks that there is something up to them. Naipamukha sa akin iyon ng sobra kanina..." tumawa siya bago lumagok muli.

Napalunok ako. 

Bumaling ako sa waiter na dumaan at nanghingi ng isang baso. Mabilis akong binigyan. Nagsalin ako ng alak galing sa isang long neck na inorder ni Axel. Inagaw niya 'yon kaagad sa akin.

"Cocktail lang ang inumin mo. Bawal pa 'to sayo..." aniya at agad inilayo ang baso.

Muli ko iyong inagaw. Agad kong nilagok ang laman no'n gaya ng ginagawa niya. Napangiwi ako ng sobra sa pait na nalasahan. Nabigla ako sa lasa kaya ako nasamid.

"Ang kulit! Ayan tuloy!"

Akmang aagawin niya ulit pero agad ko iyong iniwas.

"Magkwento ka pa, Ax... please..."

Tinignan niya ako ng mariin.

"Bawal kang malasing," aniya.

"Okay, okay. Hindi ako maglalasing," irap ko.

Ang sabi nila, kapag uminom ka ng alak ay makakalimutan mo ng panandalian ang problema. I just want to try it if that's truly effective.

Nagbuntong hininga si Axel.

"Maybe he didn't read your text, though. Buong araw na kay Kiara ang cellphone niya. He's busy. Malapit siya sa pamilya ni Kiara... kaya hindi siya makatanggi sa mga requests nila sa kaniya..." 

Nag iwas ako ng tingin at muling sumimsim sa bagong baso. Napangiwi ako pero habang tumatagal ay nasasanay na ang panlasa ko.

"W-why? Sila na siguro... Hindi ba ay gawain iyon ng isang girlfriend sa boyfriend niya?" tumawa ako.

My vision's getting blurry. Idagdag pa ang mga malilikot na neon lights na tumatama sa paningin ko kaya ako nakararamdam ng pagkahilo.

"Ang sakit mo namang magsalita!" ngumisi si Axel at umiling, "Brokenhearted ako kay Kiara tapos babanatan mo ako ng ganyang linyahan?"

Napangisi rin ako.

"Sorry naman! I'm just thinking the possibilities... tutal naman pala, ganoon na ang nangyayari, then I'd let them be," inubos ko ang nasa baso.

Umiling siya at tumingin sa akin ng 'di makapaniwala, "You're crazy! Tingin mo, titigilan ka ni Kambal pag ginawa mo 'yan?"

"He should, Ax. I'm leaving anyway," ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at sumandal sa sofang kinalalagyan.

Ilang oras na kami rito at nakailang cocktail na rin ako. Isabay pa itong alak na order ni Axel na mukhang may mataas na alcohol content.

"You're what?" 

Ibinukas ko ang mga mata ko. Nakita kong kunot noo na siyang nakaharap sa akin. Hinaplos ko ang pisngi niya at tumawa. Mas lalong nalukot ang noo niya. 

His features really make me hallucinate that this person who's with me is none other than his brother. Pero pag nagsalita na siya ay sumasampal agad sa akin ang katotohanang hindi siya ang kasama ko. At ang taong iniiisip ko ngayon ay may kasamang iba sa mga sandaling ito.

"Damn it! Answer me! Aalis ka? Kailan? Alam na ba 'to ni Kambal? Pumayag siya?" 

Ngumuso ako at nag isip. 

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon