4. Ang Bisita
Nanlaki ang mga mata ni Ashley nang makita kaming pumasok sa movie room. She paused the movie and look at me.
"Oh? Bakit ang tagal ninyong bumalik? Kayo ha!" malisyosang tumingin sa amin si Ashley.
Sumimangot ako.
"Ang tagal niya kasing kumain..." tawa ni Ace.
Tumaas ang kilay ni Ashley sa aming dalawa. I don't know why I can't look at her eyes. Umiwas ako agad ng tingin. Bakit ba, Rhiannon? Ano bang problema mo? Hay! Naiilang kasi ako.
"And that!" itinuro ni Ashley ang suot ko.
Dahil doon ay napatingin rin 'yong tatlong lalake na kasama niya. Ngumisi sa akin si Axel at nakipag apir siya sa kakambal niya. Ngumisi rin si Caesar. Nagkatinginan sila ni Calix na parang may mental note na ipinaparating sa isa't isa.
"'Yan 'yong suot ni Ace kanina, ah? Bakit ikaw na ang may suot ngayon?"
Yumuko ako. Bakit ganon? Ang init init ng pakiramdam ng mukha ko. Nasa akin ang atensyon nilang lahat kaya naiilang na talaga ako ng sobra.
"Pinahiram niya lang sa akin. Malamig kasi sa taas..." hinubad ko ang pullover na suot ko at mabilisang ibinigay sa kurimaw.
Hindi parin nawawala ang ngisi niya. Mas lalo akong napasimangot. Para bang enjoy na enjoy siyang tignan ang kalagayan ko. Ano bang nakakatuwa? Hindi ba siya naiilang? Kinaiinisan ko talaga ang pag ngisi niya. Ngising demonyo.
"T-t-thank you!" umirap ako at umupo sa kabilang side ni Ashley.
Narinig ko ang mahina niyang tawa. Napairap ulit ako sa kawalan.
Tumahimik na lang ako. Kinuha ni Ashley ang braso ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Mabuti na lang talaga, hindi na siya nagtanong pa ng marami.
Hindi pa natatapos ang pinapanuod naming action movie ng halos magmadaling araw na. Naka tatlo kasi silang salang kaya nakailang idlip na rin ako. Nakasandal parin si Ashley sa balikat ko habang ako naman ay nakasandal din sa balikat ng katabi ko.
Nagulat pa nga ako nang makitang may katabi na pala ako. At si kurimaw pa! Mabuti na lang talaga at tulog din siya nang nagising ako. Si Calix at Caesar na lang ang gising sa amin. Nakatutok sila sa pinapanuod nila at hindi nila napansin ang pag gising ko. Madilim kasi dito sa loob.
Pasimple kong tinignan ang katabi ko. Tumatama sa mukha niya ang liwanag na galing sa screen.
Bakit ganon? Kapag nakatulog siya, parang ang bait bait niyang tignan. Mala anghel. Ang payapa ng mukha niya at bahagya pang nakaawang ang labi niya. Mahaba rin ang mga pilikmata niya kaya mas lalong nagpaganda ng mga mata niya. Kung ganito siya palagi? Baka nagkasundo pa kami.
Nang una ko siyang nakita, hindi ko maipagkakailang nagwapuhan ako sa kanya. He is cool and charming. Kahit 'yong simpleng black slacks, white poloshirt na pinaibabawan ng brown blazers na uniform ng boys dati sa Zamora Academy ang suot niya ay bagay na bagay sa kanya.
Nakakahiya man at nakakapanghinayang, oo na. Sige, aaminin ko. He's my first high school crush. Pero huwag siyang magmayabang! Kasi it only lasts for a minute.
"Bakit ka nakatingin? Crush mo 'ko 'no?" ito ang kauna unahan niyang sinabi sa akin.
Agad napaawang ang bibig ko. Ang yabang. Turn off agad ako sa kanya.
"Sorry, miss. 'Di kita type," ngumisi siya.
'Yan ang pangalawa niyang sinabi nang 'di ako nakaimik. Assuming masyado. Super turn off.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
Chick-LitKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...