8. Exhausted
"Sis, okay ka lang ba? Ang tahimik mo..."
Hinaplos ni Ashley ang braso ko. Binigyan niya ako ng junk foods na binili niya sa Canteen. Nagpilit ako ng ngiti.
"Okay lang ako. Ano ka ba," tumawa ako.
Ngumuso si Ashley at ngumiti. Napangiti rin ako.
Isang sem ang lumipas at unti unti naman niyang natatanggap ang katotohanan na hindi siya tunay na Choi. Well, at least, maayos na rin ang pakikisama ng Mama nila sa kanya. Kahit na hindi siya tanggap ng biological mother niya, masaya naman siya sa piling ng second family niya.
"Uy, sila Ace o, nandoon!" aniya.
Agad akong napaangat ng tingin. Nakita kong palapit sila sa table namin. Kumpleto ang buong topa nila.
Hindi maipagkakailang head turner ang mga ito. Halos lahat ng mga babaeng madaanan nila, napapasunod ang tingin sa kanila.
"Dito na kayo o!" ani Ashley.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Good idea!" sigaw ni Axel.
Umupo siya sa tabi ko. Nagsiupuan na rin ang mga kasama nila. Lumikot ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil nakaupo na sila sa paligid namin ni Ashley.
Umupo si Ace, Calix, Arvin at Reeve sa tapat namin. Si Axel naman ay katabi ko, samantalang katabi niya 'yong cute nilang kaibigan na si Harry. Si Caesar ay sa tabi ni Ashley umupo.
"Kamusta ka na, Rhian?" ngisi sa akin ni Axel.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"Ayos lang naman... kayo? Musta 'yong block ninyo?"
"Ayon! Boring! Wala kayo ni Ashley, e..." ngumuso siya.
"At tsaka nakakatakot 'yong mga babae sa block namin. Mukhang kakainin kami ng buhay palagi kung makatingin!" ngumiwi si Arvin.
Pinasadahan niya ang kulay pink na buhok. Malapit sa tainga niya ay may shave na zigzag line.
"Kain na tayo, nagugutom na 'ko..." ani Harry.
"E 'di mag order ka na! Ikaw lang naman ang hinihintay namin!" tawa ni Axel.
Si Calix ay tahimik lang na hawak ang kanyang cellphone. Si Reeve naman ay tahimik rin, nakalagay sa magkabilang tainga ang earphone. Si Ace naman... ewan ko d'yan! Tahimik rin. Hindi kumikibo. Magmula no'ng nauna siyang umuwi sa amin mula Laoag, ganyan na siya. Hindi na siya nambubully.
E bakit parang nanghihinayang pa ang tono ko?
Hindi a! Ang saya nga, e. Nabawasan na ang nambubully sa akin.
Almost five months siyang ganyan, huh? Hindi namamansin. Para namang hindi kami nagkasundo sa Laoag kahit papaano!
"Sis... chichirya lang ba talaga ang kakainin mo? Gusto mo magkanin tayo?" kalabit sa akin ni Ashley.
"Huh? Huwag na... eto na lang chichirya na bigay mo ang kakainin ko."
Busog pa naman ako. At tsaka... wala akong ganang kumain ng marami.
"Naku! Masama 'yang puro junk foods ang kinakain," hinarap ako ni Axel. "Pumapayat ka, o? Palagi sigurong ganito ang kinakain mo 'no? Hindi ka ba nagbabaon?"
Nagbabaon... pero tumigil na ako dahil palagi naman akong may hinihingian... dati.
Tumingin ako sa kaharap ko. Nahuli ko siya na seryoso akong tinitignan. Umiwas ako ng tingin at muling tumingin sa kakambal niya.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
ChickLitKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...