OYOM 9

3.1K 89 109
                                    

9. Hindi Galit

Punong puno ang auditorium ng mga estudyante'ng kapareho namin ng course. Lahat ng mga business ad students major in management ay ipinatawag dito para malaman ang kanilang mga kagrupo sa aming feasibility study.

Collaboration ang ginawa kaya sa loob ng isang grupo ay kinabibilangan ito ng mga estudyante na galing sa different blocks.

"Chill lang, sis. For sure naman ay mababait ang mga magiging ka grupo mo," ani Ashley.

Kanina pa ako kinakabahan.

I'm not used to being around people I really don't know.

Mas sanay akong palaging si Ashley o ang family ko ang kasama ko. Doon ako kumportable. Iyon ang comfort zone ko. At ang paglagpas doon ay isang bagay na kinatatakutan ko talaga.

"Hindi lang naman 'yon ang iniisip ko, e. Alam mo naman kasi'ng hindi ako mapapakali kapag hindi ikaw ang kasama. Kung pwede lang na tayo na lang sana..." giit ko.

"Kung pwede! E kaso nga, imposible iyon dahil magkaklase tayo. Dalawa lang sa kaklase natin ang posible mong makagrupo. I really don't think na ako ang isa sa dalawang tao na iyon."

"Pwede bang mag individual na lang?" kinagat ko ang lower lip ko.

Tumingin sa akin si Ashley at sumimangot.

"Sis... gusto mo bang mahirapan? Well, alam kong kaya mong gawing mag isa 'yang feasib natin pero kailangan mo rin ng manpower. Paano kung nasa business na tayo? Makakapagtayo ka ba ng negosyo ng ikaw lang mag isa? No! Kailangan mo ng ibang tao. Hindi lang ako, hindi lang ang mga kuya natin. Ibang tao, sis. Kaya hangga't maaga pa, sanayin mo na ang sarili mong makihalubilo sa iba..."

Ngumuso ako.

Naintindihan ko ang ipinupunto niya. Alam ko naman 'yon. Kaya lang... kasi... ugh! Ewan ko ba.

I'm introvert. Takot akong makipag usap sa ibang tao na hindi malapit sa akin. Pakiramdam ko, kahit anong oras ay may masasabi sila sa akin na siyang lalong makakapagpababa ng self esteem ko.

Tumahimik na lang ako nang nagsimula nang iannounce ang mga group color na kabibilangan namin. Matapos raw iannounce lahat ay magsasama sama ang mga magkakakulay nang makilala kung sino ang magkakagrupo.

Eight members per group. Sa dami naming business ad students, goodluck na lang sa boses ng instructor na nag aannounce sa stage.

"Oh, my! Green daw ako!" ani Ashley at luminga sa paligid.

Halos maiyak naman ako nang marinig ko ang pangalan ko kasabay ng kulay na pula. That's it! Hindi kami magkagrupo ng best friend ko.

Goodbye to my precious comfort zone! Kailangan ko munang lumabas sa iyo para makihalubilo sa ibang hindi ko kalapit dahil kailangan!

"Kaya mo 'yan, sis! Confidence lang ang pairalin, okay? At saka ang swerte nila dahil matalino ka! Basta huwag ka lang paaabuso. Kailangan lahat kayo ang kikilos at hindi lang ikaw."

Niyakap ni Ashley ang braso ko at bumungisngis.

"Kagroup mo si Caesar! Ayon! Mauutusan mo 'yon, promise! Mabait 'yon. Siya na'ng bahala sa iyo..."

Nagbuntong hininga ako.

Umabot ng mahigit isa't kalahating oras ang pag announce ng mga group color.

Tumayo na kami para magsipuntahan sa kanya kanyang mga kagrupo. Sa pinakaunahan ang mga estudyanteng nakabilang sa red kaya medyo malayo ang nilakad ko.

"Rhian!" Nakita kong kumakaway sa akin ang kaklase kong si Cadence.

Pilit akong ngumiti. Siya lang ang classmate ko na napunta sa grupo namin. Nanlumo ako bigla. Wala rin namang pinagbago, e. Hindi ko rin naman kasi sila kaclose.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon