47. Only You
Magkasalikop ang kamay namin nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Ashley na humahangos at si Axel na nakangisi.
Inilibot niya ang paningin sa kalakhan ng opisina ni Ace. Dumapo ang mga mata ni Ashley sa mga kamay namin. Nalaglag ang panga niya.
"What. the. hell..." dahan dahan niyang sinabi.
Humalakhak si Axel at marahang pumalakpak.
"WELCOME BACK, KAMBAL!"
Naglahad siya ng braso at lumapit kay Ace, akmang yayakap.
Tumawa si Ace at tinapik ang mga braso ni Axel gamit ang malayang kamay. I gaped at our intertwined hands. It feels good but I know it is so bad. Sa oras na malaman ito ni Beatrice ay alam kong masasaktan siya. Makakasakit kami.
Ngayon, humingi lang ako ng kaonting oras para makapaghanda bago kami magtungo sa company clinic kung nasa'n silang dalawa ni Grace.
Napalunok ako. I feel so guilty. I feel so bad. But I am comfortable with his touch. I feel so secure. Pero mali. Alam kong mali ito. At least not now. Nagbuntong hininga ako at inalis ko ang kamay sa kanya.
Mabilis na lumingon sa akin si Ace.
"Anong nangyayari?" tanong ni Ashley.
Bumaling ako sa kanya kahit na ramdam kong titig na titig sa akin si Ace na para bang wala kaming kasama ngayon dito sa kanyang opisina.
"Obviously, babe, nagkabalikan na sila," halakhak ni Axel sabay akbay sa bestfriend ko.
Dumapo ang tingin ko sa braso ni Axel na pumulupot sa balikat ni Ashley.
"Heh! Babe ka d'yan. Ang sabi mo sa tawag, duguan si Rhian! Kalokohan mo! Nasaan ang dugo?" singhal ni Ashley sabay siko sa tiyan ni Axel at pumunta sa akin.
Tumawa si Axel. Lumapit naman sa akin si Ashley para higitin mula kay Ace. She looked at Ace suspiciously.
"Kayo na? Kayo na ulit?" tanong niya habang itinuturo kaming dalawa.
Napatingin ako kay Ace na nakatunghay lang sa akin. Nang magtagpo ang aming mga mata ay kumibot ang labi niya sa isang malupit na ngisi. Tumingin siya kay Ashley at nagtaas ng kilay sabay hawak sa kamay ko at pakita nito sa kanya.
"You think?" tanong niya kay Ashley.
Uminit ang pisngi ko nang nanliit ang mga mata ni Ashley sa amin. Nagpamaywang siya at marahang tumango-tango.
"Yeah... I think, yes. Are you really serious about her, Ace? You know... matagal tagal na panahon na ang lumipas. And you don't actually hanging out with us and our friends anymore. Sa totoo lang, hindi ka na namin kilala. But now, I guess..." ipinilig niya ang ulo at tahimik na tumango.
"Unang tingin pa lang kanina, Ash. Believe me. Pakiramdam ko nagseselos iyan sa akin no'ng naabutan kaming alone time ni Rhian.." humalakhak si Axel.
"Tss..." humigpit ang hawak sa akin ni Ace.
"But what about the news spreading all over your company at kahit sa mga investors namin ay nakakalap ko na? May nililigawan ka. Or kayo na yata? Whatever. I don't want you to turn my bestfriend out to be your mistress, Mr. Ortega." Sumeryoso si Ashley.
"Sis... hindi naman ako papayag kung ganoon." Sabi ko.
Ngayon ay muling umusbong ang guilt na nararamdaman ko. We should talk to her, Beatrice, about this thing. Sa tuwing pipikit ako ay naaaninag ko kung paano mabubura ang matamis niyang ngiti sa oras na malaman ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
Romanzi rosa / ChickLitKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...