27. I Love You
Isang linggo bago magpasukan ay nagpasya na kaming bumalik sa Manila. Iyon nga lang ay nagpaiwan si Kuya Jaylee sa Ilocos dahil may importante pa raw aasikasuhin. As usual, inihabilin niya ako kay Ace nang pauwi na kami.
"We're here, Rhi..." boses ni Ace ang bumungad pag gising ko.
"Hmm.."
Kinabig ko ang kamay niyang marahang tumatapik sa pisngi ko. Isiniksik ko ang mukha ko sa glass window at sinubukang matulog ulit.
"Rhi..."
"Five minutes, Ace..." halos pabulong kong reklamo.
Narinig ko ang mahinang tawa niya. Natahimik ng kaonti. Makakatulog na sana akong muli nang maamoy ko ang distracting scent ng kasama ko. What the...
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Agad nanlaki ito ng makita ang nakangising mukha niya sa tapat mismo ng mukha ko. Our faces were just inches apart!
"O, ano na? 'Di ba, five minutes pa?" marahan niyang sinabi kasabay ng dahan dahang pagtaas ng gilid ng labi niya.
Oh, my God! Halos mabato ako sa kinauupuan.
Ang lapit lapit niya sa akin! Nagsisimula na namang magkarera ang kung ano sa dibdib ko. Amoy na amoy ko ang bango niyang humahagod sa kabuuan ko.
"N-nawala n-na pala ang a-antok ko..." mautal utal kong sabi.
Tumawa siya. Nasa sakin parin ang buong atensyon.
Nahigit ko ang hininga ko nang ipalibot niya ang kamay sa akin. Napapikit ako ng mariin. 'Di nagtagal ay nakarinig ako ng marahang pagclick ng kung ano.
"Open your eyes now, Rhi," nahimigan ko ang tawa sa boses niya sabay dinig ko ng lagabog ng pinto.
Umawang ang bibig ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng mariin kasabay ng dahan dahang pagbukas ng mga mata.
Dammit, iniwan niya ako dito ng nakapikit? He'd just unlocked my seat belt? Halos mapamura ako sa kahihiyan!
Bumukas ang pinto sa tapat ko. Nakangising mukha niya ang sumalubong. Ngumuso siya at medyo tumabi.
"After you..." kumindat siya sa akin.
Inirapan ko siya. Shet naman! Napahiya ako doon, a? Ano ba kasing iniisip ko at bakit may papikit pikit pa akong nalalaman? Ugh.
Isinukbit ko sa katawan ko ang malaking bag na dala ko. Agad siyang lumapit at kinuha iyon.
"Ako na diyan... ihahatid kita sa loob."
Tumango ako at umiwas ng tingin dahil iniinda parin ang pagkapahiya.
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay agad kaming sinalubong ni Manang Flor. Yumakap ako agad sa kanya sabay halik sa pisngi. Medyo namiss ko rin sila! Buong summer kasi kami nawala.
"Anyare sayong bata ka at bakit ka sunog!" niyakap niya ako ng mahigpit. "Asan ang kuya mo?"
"Nagpaiwan po, 'Nang. May aasikasuhin daw'ng importante," sagot ko.
Tumango siya. Bumaling siya kay Ace at pinuri puri pa. Ang laki tuloy ng ngisi niya ngayon.
"Ang Ate Shan mo... nasa kusina. Kanina pa nag aantay sa inyo. Hindi pa natutulog dahil kakausapin daw ang kuya mo e 'di niyo naman pala kasama," ani Manang Flor.
Tumango tango ako. Tumingin ako kay Ace na nakapamulsa ngayon. Nasa kanang balikat niya nakasukbit ang bag ko.
"Gabi na... uhm... kung gusto mo, dito ka na lang magpalipas ng gabi?" nag aalangan kong tanong.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
Literatura KobiecaKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...