49. Acceptance
Buong biyahe ako hindi makausap. Nakakaidlip ako ng paunti unti at kapag magigising ay masisilayan ko ang nag aalalang mukha ni Ace. Magtatanong siya kung kamusta na ang pakiramdam ko pero hindi ako makasagot dahil hindi ko mahanap ang aking boses.
Wala akong lakas para makapagsabi ng kung ano. Ni hindi ko matignan ang gawi nina Jaylee at Beatrice.
Beatrice.
We are siblings. She's my sister! Magkapatid kami! At wala pa ako sa huwisyo para matanggap iyon. I can't accept the idea that my father betrayed my Mom. Nasasaktan ako sa tuwing sumasagi sa isip iyon.
Buong akala ko ay maayos ang aming pamilya. Tinitingala ko ito. Ang pamilya namin ngayon ang gusto kong maging katulad ng pamilyang mabubuo ko sa oras na magkaroon ako ng sarili. Hindi ko inaasahang may magtataksil. Hindi ko inaasahang magagawa iyon ni 'dy!
Ang sakit malaman na nagawang pagtaksilan ni Daddy si Mommy. All I knew is that they really love each other. At kapag mahal mo ang isang tao ay 'di mo dapat siya pagtataksilan, hindi ba? Then bakit ganito? Bakit naman may ganito?
The perfect family that I thought is really not true. It's all pretentious. The happy family once we are was just a big facade. Na kapag sinilip mo sa pinakaloob ay tsaka mo lang malalaman na wasak pala. Na hindi pala ganoon kabuo.
The plane lands safely. Hapon ngayon. Naramdaman ko ang pamilyar na lamig ng Vegas paglabas namin ng eroplano. Inalalayan ako ni Ace sa pagbaba.
"Aren't you hungry? Kokonti lang ang kinain mo sa biyahe..." ani Ace.
Umiling ako. Nasa unahan namin si Jaylee at Beatrice.
I wonder if Jaylee already has an idea about this? Kung alam niya, paano niya ito natanggap? Si Ate Shan ba, alam ito? Si Mommy? Si Mommy! Kaya ba sila palaging nag aaway ni Daddy? Pero bakit si Daddy ang palaging galit sa kanya? Hindi ba't dapat ang magalit ay iyong pinagtaksilan? Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan.
Nagkakabuhol buhol na ang mga iniisip ko. All I wanna do for now is to see my father. Kung ano nang kalagayan niya. Kung bumuti na ba siya. I want to get angry with him about this. He betrayed me. He betrayed us, his family. So much. Kaya lang ay tuwing naaalala ko ang sinapit niya ngayon ay natatabunan ng pag aalala ang galit na ito.
I am not against Beatrice. Mabait siya. Friendly and bubbly. Pero ang malamang anak siya ni Daddy sa labas ang nakakapagpaguho ng mundo ko. May anak si Daddy sa labas. Sa ibang babae. Na kaedad ko. I just can't really made up my mind about this. Hindi ko alam kung papaano ko tatanggapin o kung kaya ko ba.
Ginusto kaya nila ito ni tita Valerie? Itong pagtataksil? Oo, alam kong malaki ang utang na loob ko sa kanya pero 'di ko maiwasang masaktan sa kanilang ginawa. Pambawi ba itong mga mata niya? Para makabawi sa kasalanan niya sa kay Mommy? Ito ba ang kapalit ng paningin ko?
"You want to go at our house first?" tanong sa akin ni Jaylee.
Umiling ako. "I want to go straight to the hospital, Kuya. I'm so worried."
Nakatingin sa akin si Beatrice. Kinagat ko ang labi. Hindi ko siya kayang pasadahan man lang ng tingin. Kahit na simple ko lamang siyang makita ay nasasaktan na ako. Sumasagi kaagad sa isip kong pinagtaksilan ni Daddy si Mommy. Na binigo niya kaming pamilya niya. Nasasaktan ako.
"Okay. Papunta na rito ang driver natin," ani Jaylee habang nagtitipa ng kung ano sa kanyang cellphone.
"Hindi ka man lang ba magpapahinga?" tanong ni Ace at kinuha sa akin ang bag ko.
BINABASA MO ANG
Only You, Only Mine //Completed
ChickLitKung desidido kang makuha ang isang bagay, hindi ka titigil sa pagbabakasakaling makuha iyon. Gagawa ka ng paraan para mapasayo ang bagay na 'yon. Pero paano kung hindi na ito basta basta simpleng bagay? Paano kung tao na? Magagawa mo parin b...