OYOM 2

3.9K 114 69
                                    

2. Brownout na agad


Pagdating ng lunch ay panay ang kwento sa akin ni Ashley ng reklamo niya tungkol kay Caesar. 'Yong annoying na kabarkada rin ni Ace. 

"Nakakainis siya. Alam mo 'yon? Iyong tipong maiinis ka na lang kahit na wala siyang ginagawa sayo. Kairita kasi. Pag kinakausap ko, hindi siya namamansin. Pag tatahimik naman ako, siya naman ang mangungulit. Kainis talaga!"

Napapayuko na lang ako dahil sa lakas ng boses niya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nadaraanan namin pero hindi niya 'yon pinapansin.

"Ang lakas ng topak niya. Parang babae'ng buntis. Napakamoody!"

"Ashley, ang lakas ng boses mo. Hinaan mo kaya?" mahinang sabi ko.

Luminga linga siya sa paligid at nagkibit balikat. 

"Pakealam ba nila? Hindi naman sila 'yong kinaiinisan ko kaya keri lang..."

Pagtapos naming kumain ay dumeretso kami sa gymnasium para sa PE1 namin. Mabuti na lang at kinuha na namin sa locker ang uniform namin kanina kaya 'di na kami kailangang bumalik pa do'n bago magpuntang gym. Malapit na rin magtime kaya mas binilisan pa namin ang kilos.

"Ang ikli naman nito." reklamo ko.

Hindi ako komportable sa type A PE uniform namin. Pag hinatak pababa ay bababa din agad 'yong garter part ng PE short na suot ko. Pag itinaas ko naman 'yong garter part ay malalantad masyado 'yong legs ko.

"Ano ka ba, Rhian. Hayaan mo na. Bagay nga sayo, e. Makinis kasi 'yang legs mo," untag sa akin ni Ashley.

Magkasing iksi kami ng shorts. Well, lahat naman yata kami ay ganito kaiiksi ang jersey shorts. Wala rin naman akong magawa dahil required kaming magsuot nito. Mabuti pa si Ashley at confident sa suot niya.

"Chin up kasi, Rhiannon! Hayaan mo 'yong mga tumitingin sayo. Inggit lang sila..."

"Baka naiinggit sa mga tigyawat niya sa mukha?" humalakhak ang mga kasama namin dito sa locker room.

"May sinasabi ba kayo ha?" pinandilatan sila ni Ashley.

"O? Bakit nagagalit? Totoo naman 'yong sinabi ko. Reyna ng tigyawat 'yang best friend mo." 

Napasinghap ako. Ang sama nito a? Hoy! For your information, sa noo lang ako may mga tigyawat 'no!

"Ikaw kaya 'yong may tigyawat. Tadtad ka pa ng black spots at whiteheads." mahinang sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Napanguso na lang ako at napairap. Mga mapanglait!

Dumating ang prof namin at inutusan kaming mag warm up sandali. Naririnig namin ang pagsipol ng mga kaklase naming lalake sa tuwing yumuyuko kami. Kainis. Mga manyak!

Tinawag ni Sir ang mga magkakagrupo sa volleyball. Laking tuwa ko nang kagrupo ko si Ashley at mababait naman ang mga napunta sa team namin. Mga magagaling pang magserve. Kaya kami ang palaging nakakapuntos.

"Ikaw na next, Rhiannon! Galingan mo a?" tinapik ako sa balikat ni Miles at tumakbo papunta sa pwesto niya.

Tumango ako at pinatalon ng ilang beses ang bola. Lahat ng kateam ko ay sa akin nakatingin. Phew! Nakakakaba naman 'to. Ako ang last server kaya pag pumalya ang serve ko, nakakahiya sa mga kagrupo ko.

"Galingan mo! Bulag ka pa naman!" may demonyong nagcheer nito mula sa gilid.

Sumama na naman panigurado ang timpla ng mukha ko. Dahil sa inis ay ang bolang hawak ko ang pinagbalingan ko. Inihagis ko iyon sa ere at tsaka tinira ng malakas.

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon