OYOM 11

2.7K 76 85
                                    

11. Delikado



Malafiesta ang hapag kinagabihan. Tuwang tuwa ang mga kasama namin. Nagpasalamat rin kami sa pamilya ng pinsan ni Cadence dahil buong puso nila kaming tinanggap dito sa kanilang Hacienda.

"Wala iyon. Mabuti nga ito para may iba namang makausap itong si Lucy," ani Mrs. Valencia. 

"Gumawa na kasi kayo ng isa pa, tita!" humalakhak si Cadence.

Ngumiti si Lucy. May pagkakapareho sila ng labi ni Cadence. Mabini siyang kumakain habang nakikinig sa pag uusap.

"Hindi na namin iyan nahaharap sa ngayon, Cady. Besides, we are so busy selling our goods to the clients. Baka hindi na namin maharap si Lucy kapag gumawa pa kami ng isa..." tumawa si Mrs. Valencia.

"Paabot nga no'ng lechon, Rhian!" ani Robin.

Nilingon ko ang kinalalagyan niyon. Kailangan ko pang tumayo bago iyon tuluyang makuha dahil sa haba ng mesa kaya tinulungan na ako ng katabi kong si Ace. 

Bahagya niyang nahawakan ang kamay ko nang iabot niya ang malaking plato ng letsong manok. Nanginig ang kamay ko at agad iyong kinuha. Iniabot ko ito kaagad kay Robin.

Tumikhim si Caesar. 

"Excuse me," aniya at ipinakita ang kanyang cellphone. 

"O, sige iho..." 

Nagpatuloy pa sila sa pagkukwentuhan. Ako ay sumasagot lang pag tinatanong ako ni Mrs. Valencia ng kung ano ano.

Halos lumobo ng husto ang tiyan ko dahil sa dami ng pagkain na inilagay ni Ace sa plato ko. Sinita ko siya kanina dahil doon pero hindi siya paawat.

Ngayon ay ako at si Robin na nakailang kuha na ng kanin ang patuloy paring kumakain. Si Ace, Calix, Caesar, Ruffa, Brix, Poly, at ang magpinsan at si Mrs. Valencia ay kanina pa tapos. 

Nahihiya na tuloy ako dahil pakiramdam ko ay kami nalang itong hinihintay. Mabuti pa si Robin ay tila walang pakialam dahil patuloy siya sa masayang pag kain.

"Basta tanungin niyo na lang ang aming mga trabahante kung mayroon kayong tanong. Wala kasi ako bukas. Kailangan kong puntahan 'yong mga suki namin nang malaman ang iba pa nilang kailangang bilhin..." 

"Salamat talaga tita! You're the best!" ngumisi si Cadence.

"Oo nga po! Salamat sa pagkain. Grabe! Nabusog ako!" tumawa si Robin.

Napatingin ako sa kanya. Naabutan ko ang napakalinis niyang pinagkainan.

Sumulyap akong muli sa pagkain ko. Halos manlumo ako sa nakita. Kalahati pa lang ang nakakain ko pero busog na busog na ako! 

"Ubusin mo 'yan. Mahiya ka naman sa kanila. Nakikikain ka na nga lang, magsasayang ka pa..." bulong ng katabi kong kumag.

"Wala iyon, iho. Ayaw mo na ba? Kumain ka pa at marami pa itong natira! Ikaw, iha! Ito pa, o!" iniabot sa akin ni Mrs. Valencia ang lalagyanan ng baked macaroni.

"Naku! Hindi na po! Uubusin ko na lang po ito..." ngumiti ako ng pilit.

Ilang subo pa ang ginawa ko. Halos subo at inom ng tubig na ang pinagsasabay ko. Mabuti na nga lang at abala sa kwentuhan itong mag tiyahin. Si Lucy ay tahimik din kasi.

"Konti na lang..." cheer sa akin ng kumag.

Puno ng kanin at ulam ang bibig ko. Tumingin ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. 

"What?" tatawa tawa niyang tanong. "maayos 'yan para hindi mo ako isumbong sa kuya mo na ginugutom kita. I don't want you starving, you know..." ngumisi siya. 

Only You, Only Mine //CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon