Chapter 1

181 1 0
                                    

Konti na lang.. Inaantok na talaga ako.. Ayoko talaga ng Math.

WAIIITTT! Sino ba kayo? I'm Eura Ysabel Dominguez. 15 years old, turning 16 this week. Ajujuju, tatanda na naman ako.

"Dominguez. Hindi pwede yan ha." Si Miss Cruz, yung Math teacher namin. Tumingin ako sa palgid ko. Baka naman may hawak akong cellphone or iPod.

"Ano po yun?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi porket alam mo na yung lesson na to at parang sisiw lang sayo to eh di ka na makikinig. Show some respect naman Ms. Dominguez." Ay hello naman sayo dakdakera.

"I am listening. Go on." Di ako takot na sumagot sa teacher. Natutuwa pa nga ako lalo eh. Pero I'm a good girl ah!

Tinitigan lang niya ako tapos nagturo na ulit. Kasi naman, tinatamad talaga ako sa subject na to. Pero running for valedictorian to ha. 

Nilabas ko yung cellphone ko tapos tinext ko si Arianne.

To: Arianne

Hoy chaka, pinagtatawanan mo nanaman ako. Kain tayo after class. May bagong bukas na Korean restaurant sa Plaza.

Sinend ko na. Pero maya-maya eh nag-vibrate na cellphone ko. Ang bilis mag-reply eh!

From: Arianne

Di ah. Natatawa kaya ako kay Ms! Yeah sure Koreana. Kakain nanaman tayo ng Korean food. Peace tayo French fries!

Natawa na lang ako sa kanya. May nicknames siya sakin eh. Koreana, kasi quarter Korean ako. French Fries, kasi quarter French ako. Dalagang Pilipina, kasi half Filipina ako at conservative "daw" ako masyado. United Nations ba?

---

After class, dumiretso na kami sa plaza. Ang sarap ng foods, feels like our home in Korea. Ang ganda ng Ambiance, Koreang Korea.

"Nage-enjoy nanaman si Koreana."

"Ay sorry naman sayo Hapon." Half-Japanese to eh. Nakakaingget nga mata nito eh. :(

"Uy Eura, birthday mo na sa Thursday ah. Sure kang di ka magpapa-party. Wag mong sabihin na wala kang budget. Ang yaman mo kaya." Yesss, di ako magpa-party. Ano pa sense ng pagpa-party kung wala ka namang parents na present. Nasa France sila, nagtatrabaho.

"Ayoko lang." Sabay subo ng isang kimchi.

O_O Si Arianne natutulala nanaman. Parang feel ko na kung bakit. Lumingon ako sa likod ko at tama nga ako. Andyan si Derrick at Kevyn.

"Hoy Hapon! Di ka pa ba sanay sa mukha ng mga yan?" Tumingin siya sakin. SI Derrick at Kevyn kasi ang Male Heartthrobs ng school. At dahil maganda kami, kami ang Female Heartthrob.  Hahaha, yabang.

"Eh ang gwapo kasi ni Derrick. Pero di ko siya crush, alam mo namang si Daniel lang ang crush ko." Sabay labas ng instant blush on ni Arianne. 

"Wala ka naman mapapala sa Daniel na yun." Eh kasi playboy yun. Hahaha.

"Eh bat ikaw may mapapala ka ba?" Napatingin ako sa kanya habang nilalasap ko ang jajjangmyeon ko.

"Bakit? Meron ba akong lovelife?"

"Hehe, wala. Pero kuntento ka na ba sa buhay mo?" Uminom siya ng iced tea.

"Ano ba meron sa buhay ko?"

"Enumerate ko pa French fries? Running for Valedictorian, female campus heartthrob, talented, maganda, mayaman, Team captain ng volleyball team! Ano pa ba? Ayun! Katabi mo ang oh so dreamy na si Derrick De Mesa!" Yuck, oh so dreamy daw oh.

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon