Chapter 7

105 1 0
                                    

After ko nakausap si Kier kanina sakto namang natapos yung meeting ng teachers kaya nag-klase na. Bawat teacher na papasok sa classroom namin iniintriga muna kami. Nagsasawa na nga kami ni Derrick na sabihin na "Arranged po kami." Nakakaumay na eh.

RRRRIIIIINNNNNGGGGG!!!

Ayun, yun lang naman ang inaantay ko eh.

"Euraaaaa!" Tumatakbo si Arianne papunta sakin, OA naman to si Arianne. Magkalapit lang naman kami halos.

"Bakit ba natakbo ka pa? Ayan lang ang row ng F Fuentes, eto lang ang D." Alphabetical kasi seating arrangement namin.

"Eh kasi... di kita masasamahan ngayon! May emergency sa SC kailangan kami ni Kevyn dun! Kayo muna ni Derrick magsama!" Ang bilis magsalita tuloy-tuloy! Tumingin siya kay Derrick na nakikinig lang sa ratatat ni Arianne. "Derrick, samahan mo muna best friend ko haaaa! Bubugbugin kita pag iniwan mo yan! SC Duties! Bye!!" Tapos tumakbo siya tapos hinila si Kevyn.

"Teka.. Diba SC Officers din tayo? ARIANNE! BAT DI KAMI KASAMA! SC DIN NAMAN KAMI AH!"

"PANG PRESIDENT AT VP DISCIPLINE LANG TO! BYEEEE!" Sus. SC(Student Council) Officers din kasi kami ni Derrick. Ganto:

Arianne - President

Eura - VP Social Affairs

Kevyn - VP Discipline

Derrick - VP Sports Affairs

Meron pang iba pero di niyo naman sila kilala kaya di ko na sasabihin.

"Walang magagawa yang pagmamaktol mo. Tara na at gutom na ako." Naglakad na siya paalis. Tama bang iwan ako?

Lumabas na ako ng classroom, ang bilis maglakad!

"HOOOOY DE MESA! SUBUKAN MO AKONG IWAN BUBUGBUGIN KA NI ARIANNE!" Sinigawan ko siya sa corridor. Kahit madami pang tao sa corridor sige lang. Haha.

Tumigil siya sa paglalakad tapos sumigaw din.

"HOY KA RIN FUTURE DE MESA! BILISAN MO KASI MAGLAKAD!" Ako ba yung future De Mesa na yun? HAYUCK!!

YIEEEEEEEE <3 HAHAHAHA!

NICE ONE! DE MESA PALA HA!

YIEEEEE :""> ALAM NA!

Mga echoserang palaka tong mga Seniors... wait.. Di naman Senior tong isang to ah. Eto din. Eto din.. Bawal sila dito ah!

"Freshmen, Sophomores and Juniors! Bawal kayo dumaan sa Seniors Hall pag recess and lunch diba? Ilang beses kailangan ipaalala? Go down immediately!" Ayan, nagagalit si VP. Hahaha. Ok lang naman na manigaw ako, SC Off. nga ako diba?

"Nakikichika lang naman eh."

"Sabi sayo may makakapansin satin eh."

"Bat kasi sa Seniors Hall lang bawal. Bat naman sa Juniors Hall pwede."

"Yaan mo. Senior na rin tayo next year."

"Eh nakikichismis lang ako sa arranged marriage daw nila."

"Arranged? Totoo?"

"Weh? Akala ko pa naman sila talaga. Sayang bagay pa naman sila!"

AHHH. So, nakikichismis pala sila kaya sila dumaan dito. Sus.

"Tara na kasi. Gutom na ako." Naawa naman na ako at sumabay na sa paglalakad niya.

Pagbaba namin sa building pinagtitinginan kami kasi magkasama kami. Bakit, bawal ba? Hahaha.

"Ay bagay pala talaga sila."

WOOOH RINDI NA TENGA KO SA MGA GANYANG SALITA.

"Hay, nakakarindi na."

Tumingin naman siya sakin.

"Alin?"

"Sila. Paulit-ulit na lang. Kelan ba ako mamumuhay ng normal sa school na to?"

"Magtiis ka. Napaka-versatile mo kasi."

"Inaway mo pa ako."

"Di kita inaaway, pinupuri pa nga kita eh."

"Talaga? Uhh, thanks?"

Nakarating na kami sa canteen. Dumiretso kami dun sa mga nagtitinda ng Italian stuffs. By genre of food kasi yung pagbebenta ng stalls dito.

"Ano sayo?"

"Lilibre mo ba ako?"

"Birthday mo eh. Dali pili lang."

"Ayuuuun. Galante talaga! HAHAHA." Tumingin ako sa mga pagkain. Masasarap naman to eh, di yung tipong puchu-puchung Italian foods "daw". "Gusto ko nung pizza, tsaka, lasagna, yung three cheese, spaghetti tsaka carbonara."

Tumitig siya sakin. 

"Kakainin mo lahat yan?"

"Oo naman. Ako pa. Kering keri yan ng tiyan ko."

"Ay oo nga pala. Naalala ko kagabi, nakailang steak ka."

-____- Tarantado talaga to.

Umupo kami dun sa table namin ni Arianne. Kumakain lang ako tapos siya text ng text habang nakain. Sino kaya katext nito?

"Sino katext mo?"

"Bakit nagseselos ka?"

"Hoy nagtatanong lang ako! Kapal neto!"

Kumain na lang ako. Wala ako mapapala sa lalaking yan.

*Now playing: Boston by Augustana*

WAIT? Intro ng Boston yun ah. Galing ba sa school radio yun?

"Tara labas tayo." Tumayo si Derrick tapos hinila ako.

"Wait, di pa ako tapos kumain!"

"Wag mo na ubusin yan. Dali uminom ka na!"

Nagmamadali naman to, may 40 minutes pa kaya for lunch.

Paglabas namin ng canteen

O____O

>//////<

"ANO TO?"

"Happy Birthday Best F!! Kaya kita iniwan dahil dito!" Sumigaw si Arianne na katabi si Kevyn na may hawak na dalawang purple balloons. Tapos yung school band (di drum and lyre ha! Band talaga!) nasa likod nila tapos tumutugtog ng Boston. Favorite song ko yun eh.

Maya-maya lumabas yung volleyball varsity tapos may binigay sila sakin isa-isa na maliliit na colorful boxes na may laman na... di ko alam eh. Hahaha, mamaya pag binuksan ko ishe-share ko sa inyo.

"Happy Birthday Captain!" sabi ng team ko. Naiiyak naman akooo!

Tapos yung basketball varsity naman ang lumabas at lumapit sakin. Binibigyan nila ako isa-isa ng white roses. Feeling ko debut ko na to eh. Kaso wala parents ko. :(

Maya-maya nagtilian yung mga babae sa paligid namin. Kasi si Derrick, siya pala yung pang-16 na rose. At ibang rose, purple rose. Kahit alam kong artificial to, ang sweet. :">

You don't know me and you don't even care, oh yeah.

Yan yung line na kinanta nung lumapit siya sakin.

"Happy Birthday Eura Ysabel." Tapos nginitian niya ako.

"Thank you." Nginitian ko siya. Tapos pumunta siya sa tabi ni Kevyn.

Tapos na yung kanta kaya next song. Ano kaya susunod? Haha.

*Now Playing Closing Time -  Semisonic*

Isa nanaman sa favorite songs ko. Sorry kung mahilig ako sa medyo old songs. Haha. :)

"Best! Happy BIrthday!!" Tapos may binigay siya sakin na box.

"Thank you bestfriend!!" Tapos niyakap ko siya. "Kaya mo pala ako iniwan kanina, kelan mo pa pinlano to?"

Humiwalay siya sakin tapos ngumiti. Hawak lang niya ako sa shoulders ko.

"Di ako may plano nito."

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon