Pasensya na po sa sobrang tagal ng update. Kaya siguro ang tumal tumaas ng number of reads. Sobrang hectic kasi ng schedule. Ang daming iniintindi. :( Pero babawi ako ngayon!
Btw.. Eto na! Baka dalawang update ako ngayon. :)
----
"ANO TO EURA?"
Tinapat niya sa mukha ko yung cellphone nya.
"Oh ano yan? Bat ang ganda ng wallpaper mo?"
Kunwari inosente. Hahaha. Nung hiniram ko kasi yung cellphone niya nag-picture ako sa sarili ko.
(A/N: Look oh. Ayun yung picture ni Eura.)
"Kunwari pang walang alam. Tss."
Nilagay niya yung cellphone niya sa bulsa sa loob ng blazer niya. Tingnan mo yun. Kunwaring galit pero di naman pinalitan yung wallpaper niya.
*
Naglalaro ako ng Tap Tap sa iTouch ko ngayon. Free time eh. Walang teachers. Walang magawa.
"AY P*TA! WALANGYA NAMAAAAN! SA LAHAT NAMAN NG ORAS NA MAMAMATAY KA NGAYON PA!"
Napalingon kaming lahat sa biglang pagsigaw ni Kevyn. At si Arianne na katabi niyang natutulog.. sinigawan na lang siya.
"ANO BA HERNANDEZ? KAILANGAN SUMIGAW? HAAA?"
Ayan magbabangayan na yang dalawang yan. Nanonood lang kaming dalawa ni Derrick kasi alam namin ang susunod na mangyayari.
"EH KASI NAMAN!!"
"ANO?!"
"T*NGINA!!"
"ANO BA KASI YON!"
"NA-LOWBATT AKO!!"
Nawala bigla yung inis ni Arianne kay Kevyn at tinawanan na lang niya. Ang babaw kasi! Nalowbatt lang!!
"Uso kasi mag-charge."
Sabat ni Derrick.
"Eh kasi naman tol! Wala akong dalang charger!!"
"Ka-text mo yung chiks mo sa Hongkong no?"
"..."
HAAA? HAHAHAHAHAHA. Nag-react agad kami ni Arianne.
"Ano daw yun? May chiks si Hernandez sa Hongkong?"
Nakatungo lang si Kevyn pero maya-maya hinampas niya si Derrick.
"Ano ba? Para ka namang ewan eh. Hahaha." Tinawanan lang namin si Kevyn.
"Eh kasi naman tol! Bakit kailangan ipagkalat!"
"Eh bakit. Chicks naman yun ah. Di naman mukhang aswang."
Biglang natulala si Kevyn saka ngumiti.
"INLOVE SI KEVYN!" Napasigaw na lang ako. Kasi alam mo yung mukhang nagde-daydream? Ganun siya! HAHAHAHA.
"Pa-text na nga lang. Unli ka diba?"
"Oo. Eh diba nasa Hongkong yun? Gastos sa load! Paloadan mo ako ha."
"Tange. Nasa Pilipinas yun ngayon. Dali na! Baka magalit sakin yun eh."
"Ang korni pala ni Kevyn mainlove."
"Oo sobra."
Binigay ni Derrick yung cellphone niya kay Kevyn.
Wait.
WAIT.
WAIIITTTTT!
Yung picture ko wallpaper pa niya!!
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Teen FictionMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.