Hi readers! Tatapusin ko na po ito kaya medyo hindi ganun ka-related sa last chapter etong chapter. Medyo maiiba. Hehe. Di naman lahat ng nangyayari sa kanila alam natin diba? Yun siguro yung matatawag nating “hidden chapters”. So ayun. Hehe.
Pagkatapos ng MBL, may ipo-post ako ng bagong story. Di ko pa lang inu-upload kasi gusto ko tapusin muna eto. Ayun. Enjoy! ^__^
Chapter 33
“Dominguez!” Napalingon ako kay Coach at lumapit sa kanya.
“Yes Coach.”
“Ano bang nangyayare sa inyo?! Talo kayo ng second set! Wag mong sabihin na magpapatalo din kayo sa last set.” Baka naman pwedeng pagsabihan mo din sila no? Di lang naman ako yung naglalaro. “Ano Dominguez. Ayaw mo na? Pagod ka na ba?!”
“No Coach. Sorry. Babawiin namin ang last set.”
“Dapat lang.” Umalis na ako at tumakbo sa teammates ko.
“Alam ko twice to beat tayo. Pero wag kayong kampante! Talo tayo ng second set. Ano bang nangyayare sa inyo? Last set. Ipapanalo natin to. Ipakita natin na kahit last game na to, tayo padin ang panalo.” Time out bago mag last set ng Athletic meet Volleyball Girls. Masyado na ata silang naging kampante at pinapabayaan na ang bola. Talo kami sa second set. Last set na to. Kaya namin to!
“Eura.” Lumingon ako sa tumawag sakin. Si Derrick pala.
“Bakit?”
“Anong klaseng laro yun?” Ay? Ang yabang.
“Baka patintero. Bakit? Gusto mo sumali?”
“Hindi na. Kayo na lang. Pumunta ka sa basketball court after nito.”
“Bakit? May patintero din ba dun?”
“Ewan sayo. Bumalik ka na nga dun.”
Ang yabang netong epal na to. Nakakainis.
* * *
“And that was a winning spike by the Captain!”
Panalo na kami! Champion kami sa Volleyball!
“Nice spike Captain.” Nilapitan ako ni Coach at pi-nat sa shoulder.
“Thanks Coach.”
Tapos tumakbo na ako sa teammates ko na nagsasaya pa sa gitna ng court. Masaya naman ako sa naging performance nila sa last set. Mukhang nagsink-in sa kanila yung sinabi ko.
“Galing mo Eura! Angas talaga ng spike na yun!” sabi ng isa kong ka-team.
Ngumiti na lang ako pero ang totoo nyan eh, iniisip ko si Derrick nung nag-spike ako. Not in a romantic way! Dahil sa sobrang inis ko, inisip ko mukha niya yung bola tapos may chance na ako na sampalin siya. Ayun, napalakas ata at nagpanalo sa team namin. Ayos no? Haha.
“Tara sa basketball court!” Niyaya ko na sila. Wala kaming balita kung anong nangyayari sa laro nila ngayon. Baka nagpa-patintero din sila. Or not. Andun nga pala si Derrick the Great. -____-
“Bakit?” tanong ng isa kong ka-team.
“Hello? Laro din nila Derrick ngayon.”
“Ay oo nga pala. Kailangan nga pala niyang mag-cheer sa irog nya.”
“Irog? Neknek nya! Never siyang magiging irog ko. Putres. At ikaw.. Ang mais mo. Maghanap ka ng kausap mo. Haha!”
“Sus. Ang konti lang ng sinabi ko ang dami mong ni-react. Tara na nga!”
Habang naglalakad papuntang court, nakaramdam kami syempre ng gutom kaya bumili muna kami ng makakain.
“One double cheeseburger, nuggets and large fries. Large coke po. Tsaka isang sundae.” May stall kasi ng Mcdo dito kaya dito na lang kami bumili. Napanganga sila sakin. “Bakit?”
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Novela JuvenilMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.