"Si..."
"Nagpapa-suspense pa."
"Si.. Chai Santos."
"Chai Santos?? Yung..?"
"Yung babaeng may wallpaper ng mukha mo sa kwarto niya? Oo siya yun."
May mga ganyang tao sa school namin. Di ba? Lahat na ata ng stereotype nasa school na namin.
"Bakit naman niya gagawin yun?"
"Ano mo ba ako?"
"Girlfriend kita."
"ANO BA. Di mo ako girlfriend."
"Ang arte mo. Edi fancee."
"That's why."
Nagisip siya saglit bago nya naintindihan yung sinasabi ko.
"Kakausapin ko nga yun bukas."
"Wag na. Pabayaan mo na."
"Napaka-bait mo naman."
"Buti ba kung si Tiffany yun. Sasamahan pa kita."
"Ang sama mo naman."
Sakto namang nakarating kami sa ospital. Umakyat kami sa office ng tita ko.
"Oh Eura. Bakit ka nandito? May ipapacheck-up ka ba?"
"Hi Tita Chin-Chin. Opo eh. Nadulas po kasi ako kanina while training. Clumsiness. Hehe."
"Hmm. Ayan kasi napakalikot na bata! Sige pasok ka."
Kung ano-ano ginawa niya sakin. Pinalakad chever. May hinilot sa waist ko. Nadislocate chever daw. Ewan! Wala naman akong plano mag-doktor. Pagkatapos ako i-check-up, nilagyan ng bandage yung ankle ko.
"Ayan ok ka na. Nothing serious happened naman sayo." Tumingin siya kay Derrick. "Thank you nga pala sa pagsama sa kanya dito. You are such a good friend to Eura."
Nagkatinginan kami ni Derrick. Wait.. Di din niya alam?
"Ah Tita. Di niyo din po alam?"
"Alam ang ano?" Nag-iba yung mukha niya. Medyo kinakabahan pero alam ko na alam na niya yung susunod kong sasabihin.
"Tita.. I'm engaged. This is Derrick De Mesa, my.. my fiance."
Tulala si Tita for about 30 seconds pero ngumiti naman siya agad.
"Sabi ko na nga ba eh. Anyway, Hi Derrick! I'm Chynna Sanchez. Tita ni Eura."
"Hello po. I'm Derrick." Nag-shake hands sila tapos nagngitian.
At as usual.. Nagchikahan sila. Nasa lahi na ata ng dalawa kong angkan ang pagiging chikadora. Ako nanaman ang outcast.
"Dra. Sanchez, andito na po sila Mr. and Mrs. Montes."
Sabi nung assistant ni Tita.
"Ah sige tita. Aalis na po kami. Thank you so much!"
"Oh sige. Magpagaling ka ha."
"Ay tita, kelan po ba maghe-heal yung ankle ni Eura?"
Ngumiti siya.
"Normally, 5 days yan. Pero sa katigasan ng ulo niyan ni Eura, 2 days lang yan I'm sure."
"Tita naman..."
"Oh sige na. May appointment pa ako. Thanks for dropping by."
Umalis na kami pero nagpababa siya sa tapat ng Mang Inasal.
"Dito tayo kakain?"
"Hindi, dito tayo matutulog." Tapos bumaba na siya ng sasakyan. Sabi ko nga di siya matinong sasagot. "Di ka ba nagugutom? Baba na." In-offer niya yung kamay niya para makalakad ako. Humawak naman ako. Syempre para makalakad na ako. Gutom na ako dre.
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Teen FictionMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.