Chapter 8

129 2 0
                                    

At dahil ang tagal kong di nag-update, isa pang update! ♥

Kung makapag-salita parang ang dami kong readers eh no? :))

----------

"Di ako may plano nito."

Napaisip agad ako. Bukod kay Arianne, sino ba pwedeng gumawa nito?

... si Kier?

"Arianne? Kung si Kier ang may pakana nito, bakit ka pumayag?" SIyempre binulong ko lang sa kanya. Baka marinig nila.. isipin nila feelingera ako. Gwapo naman kasi si Kier no.

Tumawa si Arianne.

"Gaga ka! Di si Kier, bat naman ako papayag kung si Kier! Si Derrick teh!"

Nagsi-sink in pa sa utak ko yung sinabi ni Arianne. Tumingin ako kay Derrick. AYUN SI DERRICK. Yumuko tapos humawak sa batok niya. 

>////////<

Binitawan ako ni Arianne tapos binigay ko sa kanya yung mga box at flowers. Lumapit ako kay Derrick na tinitigan na lang ako.

"Derrick.. kaw talaga may plano nito?"

"Alam mo na eh, itatanong mo pa."

Ngumiti naman agad ako tapos niyakap ko siya. Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko. Kaya ko lang naman nagawa yun dahil sa sobrang tuwa ko eh!

I know who I want to take me home

I know who I want to take me home

I know who I want to take me home

Take me home...

"Naamoy mo ba yun Arianne?"

*sniff sniff*

"Di eh. Ano yun Kevyn?"

"Love is in the airrrrrrr ♥"

 Bumitaw ako sa hug tapos sabay kaming tatlo nila Derrick at Arianne na kutusan si Kevyn.

"ARAY NAMAN!"

Maya-maya pinicturan nila kaming dalawa. Puro stolen.. for the school tabloid daw. Sa school, may tabloid meron ding newspaper. Masyadong magastos tong school na to!

Pero nung si Arianne na yung naglabas ng camera.

"HOY! MAGTABI KAYO DALI! Pipicturan ko kayo!! Papadala ko to kay Tito at Tita!!"

Nagtabi kami pero may gap. Di pa naman kasi kami ganun ka-close no.

"ANO BA YAN! Nagyakapan nga kayo kanina eh! Magtatabi lang di pa magawa!"

Tinulak naman kami ni Kevyn palapit. ANO BA YAN.

Naglapit na kami para matapos na. Ngumiti for the camera and *click*

Unti-unti na nagsialisan yung mga tao. Wala naman kasi dapat pagkaguluhan. Hahahaha. Nag-thank you na din kami dun sa school band. Maayos na lahat, back to normal. Kumakain na yung mga estudyante.

Nandito kami ngayon sa open canteen, malinis dito tsaka mahangin kaya masarap tumambay. Matagal talaga lunch namin ngayon. 1 hour and 30 minutes ang lunch namin every Friday. TGIF daw kasi. Hahaha.

"Bat mo naman pala ginawa yun Derrick?" syempre curious ako eh.

"Sabi kasi ng mom mo wala ka daw any celebration ngayon. Kaya sabi niya gawan daw kita ng kahit anong ewan."

"Ay so ginawa mo lang kasi sabi ng parents ko?"

"Mmhmm."

So.. di pala bukal sa loob niya. Pero anyway, atleast ginawa niya diba! Nakaka-touch pa din.

My Bittersweet LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon