"Kumain ka na tapos inumin mo tong gamot."
Nasa canteen kami ni Derrick ngayon. Binilhan niya ako ng pagkain tapos dinalhan ako ng gamot sa sipon at ubo. Sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon. 1 week na lang stage play na. Buti na lang last scene na yung papracticin ngayon para polishing na lang next week. 2 weeks na lang Athletic Meet na. Bugbog na kami sa training ng teammates ko. For the past week, sobrang stress ang hinaharap ko. Di na nga ako nakakapag-aral. Buti na lang may stock knowledge ako. Hihi. Minsan nga nakakatulog ako sa klase sa sobrang pagod. Ine-excuse kami lagi sa klase to practice ng stage play. Buti na lang nagno-notes si Derrick tapos pinapakopya nya sakin paguwi. After ng practice, may training naman for volleyball. Naaawa na nga ako kay Derrick eh, lagi akong inaantay. Minsan pinapauwi ko na, ayaw naman. Oh well, kasalanan nya yan. Haha!
"Ano ba, kumain ka na." Ay oo nga pala. May kasama ako.
Kumain na ako. Pero wala din naman akong panlasa. Ubo at sipon nga diba? Pero para di na magalit tong kasama ko, kumain na din ako. After ko kumain, ininom ko na yung gamot na bigay nya.
"Ayos ka lang ba talaga Eura?"
"Ayos lang. *cough cough*"
"Bahala ka. Ang kulit mo." Tapos tumayo na siya at umalis. Anong problema nun? Hay nako, tumatanda nga naman. Pagbigyan!
Tumayo na rin ako at pumunta sa auditorium. Wala ng klase ang Fourth Year after lunch. Yung mga hindi kasali sa play ay kailangan tumulong sa props making.
Pagpasok ko sa auditorium, nakasalubong ko si Tiffany.
"Hi Eura."
"Hello. Ano kailangan mo?"
"Wala naman. Na-realize ko lang na pinagpalit pala ako ng mahal ko sa isang panget." Kahit masama ang pakiramdam ko, napataas ang kilay ko.
"Pinagpalit? Naging kayo? Wala naman syang kinukwento ah."
"Ha? Ah.. Hindi man naging kami pero nafe-feel ko na minahal nya ako."
"Ang lupet gumawa ng storya. Sabunutan kita eh." Biglang dumating si Kevyn at hinila ako paalis.
"PANIRA KA TALAGA LAGI HERNANDEZ!"
"ATLEAST UGALI LANG, CHUA! EH IKAW PATI MUKHA PANIRA!"
Nag-away pa tong dalawa. Madalas din mag-away yang dalawang yan. Di na lang ako magtataka kung magiging sila bandang huli. Haha!
"Ayaw mo daw ba umuwi talaga?" pinaupo ako ni Kevyn sa upuan ng audi.
"Daw? Sino nagsabi?"
"Sino pa? Si Derrick malamang."
"Sus, pagkatapos nya akong *cough* iwan sa canteen kanina ipapatanong nya sa iba. Neknek nya!"
"Uy! Wumo-walkout? Yie!"
"Anong nakakakilig dun?"
"Wala lang. Eura, you can't deny your feelings forever! Kayong dalawa!" Ano sinasabi neto?
"Ha? Anong pinagsasasabi mo Kevyn?"
"Wala. Sabi ko ang panget mo!!"
"Hoy! Di kaya!" Tumakbo siya. Hinabol ko naman, kahit may sakit ako hahabulin ko to!
Takbo kami ng takbo sa loob ng auditorium. Kaso ang bilis niya tumakbo! Ay de, may sakit lang talaga ako kaya di ko mahabol. Tumakbo siya dun sa pababang railings, diba ganun naman sa mga audi? Pababa lagi.
... eh kaso bigla siyang nag-right turn. Di ko napigilan kaya dire-diretso ako at nabangga kay Derrick. Nadapa kaming dalawa. Napahiga ako sa kanya!
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Teen FictionMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.