Unang-una, sorry sa sobrang tagal ng update. Alam nyo naman siguro yung busy kasi graduating?
Pangalawa, lagi na akong magu-update! Tutal ga-graduate naman na ako in a few days.. At college na ako in a few months.. tatapusin ko na to ngayong summer.
So ayun.. Update to!
And may the odds be ever in your favour.
Hala! Huma-Hunger Games! :> (Pasensya.. Big fan eh. :)) Napapala ng nabasa yung trilogy.)
* * *
Umamin na nga ako kay Arianne. Di ko na-keri. Kailangan ko ilabas to.
"OMG! Seryoso ka be?! Oh my god!!"
"Siguro? Ah.. Oo seryoso na ako."
"OH MY GOOOOOD!"
"Sshhh. Wag ka maingay. Baka magalit parents mo tsaka nabibingi na ako."
"Wala parents ko dito. Anyway, Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?! Nagtatampo ako!!"
"Ehhhh? Baka naman ngayon ko lang na-realize. As in ngayon lang talaga. Eh alam mo naman na di ako makapagtago sayo kaya sinabi ko agad."
"That's good. So, serious things first. Sinabi mo na ngang sigurado ka na. Handa ka na bang i-face ang consequences?"
"Consequences?" Nag-isip ako. Handa nga ba ako?
"Eura. Alam natin pareho na walang kasiguraduhan tong arranged marriage nyo. Anytime, pwede siyang umayaw. Let's say na nakahanap siya ng gusto niya talaga. Alam ko hindi ka aayaw lalo na at natalo ka na. Pero anong gagawin mo pag umayaw siya? Anong gagawin mo pag hindi niya kayang ibalik yung pagmamahal na binibigay at posible mong ibigay sa kanya. Eura, alam natin pareho na mas matanda ako sayo. Bestfriend kita at parang nakababatang kapatid na din kita. At ayokong nakikita kang nasasaktan. Natatakot ako para sayo. Every firsts hurts. I know you're smart, pero even the smartest person becomes a fool when it comes to love. Do you get my point?"
Matagal din bago ako sumagot. Nag-isip ako ng tamang words to say.
"Sa totoo lang, di ko alam kung handa ba ako. Taking risks. Di ako matututo kung I won't take risk. Kung aayaw man siya, di ako maghahabol. Hahayaan ko siya. Unang-una wala naman sa kontrata namin na mahalin ang isa't-isa. Well, naniniwala man ang parents namin na someday mangyayare yun. And when the time comes, accept the fact na di niya ako kayang suklian. Learn from it. Ganyan naman ang love games, Babae lagi ang talo."
"Good thing at alam mo kung anong gagawin mo. Wag mo kalimutan yan ha? Pwedeng mangyare yung sinabi ko sayo. Who knows? Magaling maglaro ang tadhana."
* * *
After usapan na yun, parang walang nangyare. Parang walang aminan, normal lang. Pero pag kinakailangan, pinaguusapan. Tulad nga daw ng sinabi niya, nagi-improve daw kaming dalawa. Frequent bickerings pero mas madalas daw kaming sweet sa isa't-isa.
Ilang weeks na din kaming nagte-training. May athletic meet kami sa ibang school. Big event to para sa school namin.
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Genç KurguMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.