After almost 20 minutes, nakarating na kami sa restaurant. Dumiretso kami sa itaas. VIP Lounge daw yun. Sosyal na mga pamilya nga naman, makikipag-kita lang eh nasa VIP Lounge pa. Lumapit kami dun sa isang babae na nasa mid-40's I think. Mukhang maganda siya nung dalaga pa siya, halata sa face niya eh.
Pagkakita niya samin, tumayo siya at nakipagbeso. "Sylvia and Eric, buti nakarating kayo at napapayag niyo ang napakaganda niyong anak na sumama. It's Eura, right?"
Ngumiti lang ako.
"Medyo nagulat nga siya nung una eh. Pero napapayag naman siya."
"Upo muna kayo." Umupo kami. "Nasa labas lang ang asawa ko tsaka yung anak ko. Nagu-usap lang ng matino."
Umorder muna ako ng juice. Naguusap lang sila. Gwapo daw yung anak niya, mabait, matalino.. blah blah. Siguraduhin lang niya na tama yung sinasabi niya kasi baka mauso ang divorce sa Pilipinas pag nagkataon.
"Uh. Excuse me. Punta lang ako sa washroom." Ngumiti lang ako.
Pumunta na ako sa washroom para mag-pulbo. Yuck ang oily na pala ng mukha ko. Buti na lang di kita yung sugat ko. Galing din nila bumato eh. Dun pa sa lugar na pwedeng maitago. Haha.
"Bakit ka ba pumayag sa gantong agreement Eura?" Kinakausap ko na sarili ko. Mababaliw na nga siguro ako. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng cr.
Pagkalabas ko, nakita ko si Derrick na palabas din ng washroom.
"Oh.. Derrick."
"Ano ginagawa mo dito?" Hello daw sabi niya. -___-
Sasabihin ko ba? "Ah.. Dinner lang. Hehe. Kaw?"
"Dinner lang din. Geh." Tapos umalis na siya. Nauuna siya maglakad. San kaya to nakaupo? Siguro dun sa isang pamilya dun sa gilid.
EH BAKIT DUN SIYA PAPUNTA SA TABLE NAMIN? OH DEAR LORD.. DON'T TELL ME...
"Oh. Magkasama pa sila. Bagay mare!" Sabi ng mom ni Derrick.
PAKSHET SABI KO NA NGA BA EH! -________________-"
Tumingin sakin si Derrick na parang gulat na gulat. Syempre ako din nagulat!
"IKAW?" Sabay pa kaming nagsabi.
"You two know each other?" Sabi ng mom ko. "Umupo nga muna kayong dalawa."
Pagkaupo ko, nagsalita agad ako.
"Obviously yes. We study at the same school. We're classmates.."
"Seatmates too." Magsasalita pa to.
"Sinama mo pa yan. Tsaka siya yung partner ko sa Sports Leader award." Alam niyo naman ang school namin, mahilig mag-proclaim ng mga ganyang award.
"Oh. So no need for further introductions. It seems that you too know each other very well." -Mother ni Derrick.
"We don't even talk to each other unless it's sports related." Sabat ni Derrick.
"We're not really close."
"Edi kailangan niyo maging close sa isa't isa!" Mga naiisip nga naman ng mga nanay oh.
Di na kami nagsalita. Yung mga parents na lang ang nagsalita. Kumain na lang kaming dalawa ng kumain. Minsan nagkakatinginan kami pero iiwas agad kami ng tingin.
Nakikinig lang ako sa usapan nila at walang intensyon na sumabat. Pero nung narinig ko tong salitang to, nagulat kami pareho.
"The wedding shall be after graduation."
Muntik ko ng maibuga yung steak na kinakain ko.
"WHAT?!" Grabe naman maka-react to si Derrick. Keep calm lang Eura.
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
TienerfictieMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.