"Oh Derrick.. Sino yan? Chicks mo?"
Bigla na lang may lalaking humarang samin. Ang gwapo.. pero may kamukha. Di ko lang maalala kung sino.
Sino kaya to?
Derrick's POV
Naglalakad kami ng dumating si Timothy. Timothy Chua. Kapatid ni Tiffany.
-____-"
Tumingin ako kay Eura na parang inaalam kung sino tong kaharap namin. Naramdaman ko din na napatigil si Kevyn. Kilala din niya to eh.
Malaki galit sakin nito eh. Kasi akala niya last year, siya yung team captain ng Basketball team. Eh sakin napunta yung responsibilidad. Eh anyway.. bakit nga ba to nangengealam?
"Anong chicks? Di naman to mukhang manok ah."
"Pilosopo ka pa. Sino nga yan?"
"Girlfriend ko. Bakit?"
(A/N: Yung naka italic, si Eura yun ha!)
HOMG. Girlfriend daw? Halaaa. Sino ba kasi to!
"Ang bilis mo naman makahanap ng bago."
Bago? Eh first ko tong si Eura.
Bago? Nagka-girlfriend na pala siya dati. Di ko alam yun ah.
"Eh eto lang naman naging girlfriend ko. Wala na. Sino ba akala mo?"
"Ang galing mo din no? Ide-deny mo pa si Tiffany!"
Tiffany? Sabi ko na nga ba eh.
Tiffany? NAGING SILA? OMG. CHISMIS TO! HAHAHA.
Alam kong nagulat din sila Kevyn at Arianne.
"Di naman naging kami ng kapatid mo eh."
Kapatid? AY! Eto pala yung kuya ni Tiffany! Kaya pala kamukha niya!
"Ang galing mo talaga mag-deny Derrick. Kawawa ka naman.." tumingin siya kay Eura. Head to foot. Parang ine-examine kung pwede ibenta. "..famous Eura Dominguez."
Famous daw oh. Compliment ba yun? Di ko gusto yung tono niya eh, tsaka yung tingin niya.
"Pakisabi sa kapatid mo, wag siyang mag-assume dahil di naman naging kami at wala akong plano na ligawan siya. Tsaka wag na wag mong titingnan si Eura ng ganun."
Sumama yung tingin sakin ni Timothy.
"Ang yabang mo ah! Eh kung banatan kaya kita!"
Susuntukin niya sana ako kaso naunahan na siya ng suntok ni Eura. Nagulat kaming lahat. Aba.. eh kulang na lang eh tumilapon si Timothy
"Eura!" Napasigaw si Arianne. Buti na lang nasa may parking lot pa kami kaya konti lang tao.
"Hoy Timothy Chua. Subukan mong magsalita pa ulit ng ganun, sasapakin pa kita lalo. At wag na wag ka na ulit titingin sakin ng ganun.. Baka patulan ko na yang kapatid mo. Bwiset.. Magkapatid nga kayo! Pareho kayong sakit sa ulo!"
Hinila ako ni Eura at sinadya nyang banggain si Timothy. Dire-diretso lang kami hanggang sa nakapasok kami sa loob ng mall. Binitawan niya ako tapos nagsalita.
"Bwiset! Akala mo naman kung sinong gwapo. Kung makatingin eh."
"Hoy kalma na. Tapos na. Sinuntok mo na eh."
Huminga siya ng malalim tapos tumingin sakin.
"At ikaw? Sigurado ka bang di naging kayo? Sigurado ka bang di mo siya niligawan?"
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Ficção AdolescenteMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.