At dahil sembreak na.. continous updates! Haha. ;*
---
Pagbukas ko ng pinto.. Nagulat ako sa nakita ko.
"Ano to?" DI ko alam kung tatawa ako o sasaraduhan ko sila ng pinto eh.
Lahat ng mga kaklse ko nasa labas ng bahay namin. Tapos may band. Mga kaklase ko ata to. Oh my god. Nagawa nila to ng di ko nalalaman?
Kaya pala di ako pinapalabas ni Kevyn. Sineset-up nila to.
Pero.. galit ako sa kanya diba? Tingin niya ganun lang kadali yun?
"1, 2, 3 GO!"
Nagsimula silang tumugtog. Kakanta siya? Ay tara magpayong tayo. Baka umulan.
So what am I supposed to do oh oh?
When she's so damn cold like 20 below?
That girl, that girl, she's such a bitch,
I tell myself I can handle it.
Surprisingly, ang ganda ng boses niya. Pang-Alex Gaskarth. Kaya nga yung mga babae kong classmates ay nakanganga at syempre kinikilig. Ano ba.. Akin yan eh.
Chos may ganon? Hahaha. :P
Hinila ako ni Arianne palabas ng bahay. Di kasi ako makagalaw! Alam mo yung feeling na nagwo-wobble yung tuhod mo. Ganun yung feeling ko ngayon.
Kinikilig? Naah. Ang layo.
Kumakanta lang siya. Ang ganda talaga ng boses niya. Pero ang malas niyo.. Akin yang boses na yan.
Ano ba.. Nagiging possessive na ako masyado eh. HAHAHA.
Naglabas siya ng boquet ng roses. Pink roses naman ngayon. Eto ang second flowers na nakuha ko galing sa kanya.
So what am I supposed to do oh oh?
When she's so damn cold like 20 below?
That girl, that girl, she's such a bitch,
I tell myself I can handle it.
Nung pagkasabi niya ng bitch, saka niya binigay yung roses. Ako? Bitch? Ha.
Where am I supposed to go oh oh?
When she throws me out, and it's 20 below?
That girl, that girl she's such a trick,
But I can't lie, I'm in love with it.
Pagkasabi niya ng I'm in love with it, hinawi niya yung buhok ko na medyo nakaharang sa mukha ko. Napangiti ako dun. Nagtilian naman yung mga kaklase kong babae. Yung mga lalaki naman.. ewan ko kung ano yung ginawa nila. Guy thing, how would I know?
Natapos na yung kanta. Thankful naman ako at walang kapitbahay na nagsilabasan. Advantage ng puro businessman ang kapitbahay, laging walang tao sa bahay nila.
"Namumula ka Eura."
Nanlaki mata ko dun. Hinawakan ko yung mukha ko.
"D-di kaya!"
"Joke lang, to naman."
Ngumiti siya tapos inakbayan ako.
Nangantsaw naman yung mga kaklase ko. Ano bey? Haha.
"Ano ba kayo.. Di ba kayo pagagalitan? Gabi na oh."
"Maaga pa nga to Eura eh. Ok lang yan. Di na uso samin ang pinapagalitan ngayon."
Nag-agree naman silang lahat.
"Oh so ano? Ok na kayong dalawa?" tanong ni Arianne na nagpaalala na galit pa nga pala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Bittersweet Lover
Teen FictionMarriage is a crucial thing. Bakit kailangan ipagpilitan? I think arranged marriage are the stupidest things imaginable. First, it makes lives miserable. And second, you fall in love.. unexpectedly.